SIFILIPI 2

Cards (35)

  • Proseso ng pagsasalin sa papel na mayroong layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan at kapwa pisikal at mental na aktibiti.
    Pagsulat
  • Sino ang nagsabi na ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit?
    Xing at Jin
  • Sino ang nagsabi na ang pagsulat ay isang bagay na mailap para sa nakararami maging ito'y sa una o ikalawang wika?
    Badayos
  • Sino ang nagsabi na ang pagsulat ay isang biyaya, pangangailangan, kaligayahan ng nagsasagawa nito?
    Keller
  • Sino ang nagsabi na ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang pantao mula sa pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.
    Peck at Buckingham
  • Isang uri ng pananaw sa pagsulat na nagsasabing ang pagsulat ay kapwa mental at sosyal na aktibiti.
    Sosyo-kognitibong pananaw
  • Isang uri ng pananaw sa pagsulat na nagsasabing ang pagsulat ay isang proseso ng pakikipag-usap sa sarili at paraan ng pakikipag-usap sa mambabasa.
    Komunikasyong interpersonal at intrapersonal
  • Isang uri ng pananaw sa pagsulat na may dalawang dimensyon; oral at biswal.
    Multi-dimensyonal na proseso
  • Isang uri ng multi-dimensyonal na proseso kung saan ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong sinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.
    Oral na dimensyon
  • Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kaniyang teksto na nakalimbag na simbolo. Nagsisilbi itong biswal na imahen o istimulus sa mata ng mga mambabasa.
    Biswal na dimensyon
  • Isang uri ng pananaw sa pagsulat na nagsasabing ang pagsulat ay tumutulong sa pag-unawa ng sariling kaisipan, damdamin, at karanasan. Nakatutulong fin ito sa ating pagganap sa mga tungkuling panlipunan.
    Gawaing personal at sosyal
  • Ang pagsulat ay ginamit para sa layuning ekspresibo.
    Personal na gawain
  • Ang pagsulat ay ginagamit para sa layuning panlipunan. Tinatawag din itong layuning trsansaksyunal.
    Sosyal na gawain
  • Tatlong layunin sa pagsulat ayon kina Bernales, Et Al.
    Impormatibo, Mapanghikayat, at Maikling pagsulat
  • Ang tatlong hakbang o proseso ng pagsulat.
    Bago sumulat, habang sumusulat, at muling pagsulat
  • Bahagi ng teksto na dapat bigyan ng kaukulang pansin at kawili-wili.
    Panimula
  • Bahagi ng teksto na mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinapahayag at pinakamalaking bahagi ng teksto.
    Katawan
  • Bahagi ng teksto upang makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
    Wakas
  • Isang intelektwal na uri ng pagsulat.
    Akademiko
  • Isang uri ng pagsulat na gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya at nakatuon sa isang espesipikong audience.
    Teknikal
  • Pampamamahayag ang urin ito ng pagsulat. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain, at iba pa.
    Journalistic
  • Uri ng pagsulat na naglalayong magkrekomenda ng iba pang reperens o sors.
    Reperensyal
  • Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon.
    Propesyonal
  • Layunin ng uri ng pagsulat na ito na paganahin ang imainasyon bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mambabasa.
    Malikhain
  • Ang salitang akademya ay mula sa salitang pranses na?
    Acadėmiė
  • Ang salitang akademya ay mula sa salitang latin o griyego na?
    Academia
  • Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na
    gawain. Ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan. Isa itong komunidad ng iskolar.
    Akademya
  • Anomang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Akdang tuluyan o prosa, upang magpahayag ng impormasyon tungkol sa isang paksa. Ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal, at obhetibo.
    Akademikong pagsulat
  • Katangian ng Akademikong Pagsulat na hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal.
    Pormal
  • Katangian ng Akademikong Pagsulat na ang layunin ay pataasin ang antas ng kaalaman.
    Obhetibo
  • Katangian ng Akademikong Pagsulat na ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahalagang layunin.
    May Paninindigan
  • Katangian ng Akademikong Pagsulat na kumikilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.
    May Pananagutan
  • Katangian ng Akademikong Pagsulat na malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon kung kaya't ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
    May Kalinawan
  • Tatlong layunin ng akademikong pagsulat
    Mapanghikayat, Mapanuri, at Impormatibo
  • Apat na tungkulin o gamit ng akademikong pagsulat
    Lumilinang ng: 1) kahusayan ng wika, 2) mapanuring pag-iisip, 3) pagpapahalagang pantao, at 4) isang paghahanda sa
    propesyon.