Isang pananaw na nagsasabing ang pagsulat ay isang mental at sosyal na aktibiti.
SOSYO-KOGNITIBO
Pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang maaaring mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon.
PAGSULAT
Dimensyon ng pagsulat na nagsisilbing ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mambabasa.
ORAL NA DIMENSYON
Dimensyong nagbibigay diin sa mga simbolo bilang istimulus sa mga mambabasa.
BISWAL NA DIMENSYON
Layuning ginagamit sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama
EKSPRESIBO
Layuning ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.
TRANSAKSYONAL
Tinatawag ding expository writing.
IMPORMATIBO
Tinatawag ding persuasive writing
MAPANGHIKAYAT
Layunin sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
MALIKHAIN
Hakbang na pinaggaganapan ng paghahanda sa pagsulat
PRE-WRITING
Hakbang na kinapapalooban ng pagsulat ng burador.
ACTUAL-WRITING
Hakbang kung kalian ginagawa ang pag-eedit at pagrerebisa
REWRITING
Ang mismong pukos sa impormatibong pagsulat.
PAKSA
Ang pokus sa mapanghikayat na pagsulat.
MAMBABASA
Ang mismong pokus sa malikhaing pagsulat.
MANUNULAT
Masining ang uring ito ng pagsulat
MALIKHAIN
Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon
PROPESYONAL
Halos lahat ng pagsusulat sa paraan ay masasabing nasa uring ito mula sa antas primary hanggang sa doktoradong pag-aaral.
AKADEMIKO
Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o journalist.
JOURNALISTIC
Ito ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa.
REPERENSYAL
Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.
TEKNIKAL
Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin.
TEKNIKAL
Ito ay maaaring gawing kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o disertasyon
AKADEMIKO
Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa
MALIKHAIN
Madalas, binubuod o pinaiikli rito ang isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sino mang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa refer sa reperens na tinutukoy.
REPERENSYAL
Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
AKADEMIKO
Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
JOURNALISTIC
Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report n mga imbestigador, mga legal forms, beliefs, pleadings ng mga abugado at legal researchers at medical report at patient’s journal ng mga doctor at nars.
PROPESYONAL
Ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang pagatatala ng mga impormasyon sa note cards ay maihahanay sa ilalim ng uring ito
REPERENSYAL
Napakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipikong kurso para rito, ang AB Journalism
JOURNALISTIC
Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices ang mga akda sa uring ito.
MALIKHAIN
Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literature.
MALIKHAIN
Itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral tulad ng Medicine, Nursing, Law at Criminology.
PROPESYONAL
Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura.
REPERENSYAL
Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na asignatura tulad ng science o technology