Quizzes/tayahin

Cards (15)

  • Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagsasaad sa kahulugan ng Ekonomiks?
    Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
    matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mapataas ang antas ng
    kabuhayan
  • Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
    Wastong paraan ng paggamit at pagbahagi ng limitadong pinagkukunang yaman na tumutugon sa pangangailangan at hilig-pantao.
  • Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita sa paglalapat sa konsepto ng Ekonomiks?
    Sinisigurado ni Mark na may maitatabi siyang pera mula sa kanyang baon bawat araw upang may maihulog sa kanyang piggy bank.
  • Bilang isang mag-aaral, kailangang alamin ang opportunity cost ng bawat desisyon na kanyang gagawin upang ______________.
    masigurado ang malaking kapakinabangan sa ginawang desisyon
  • May malaking tulong ba sa iyo ang pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
    ll. Oo, mas higit kong mauunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad sa aming pamayanan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. lll. Oo, natutulungan ako na maging higit na matalino at mapanuri sa paggawa ng desisyon sa pang-araw-araw ko na buhay.
  • Alin ang HINDI kabilang sa pangunahing katanungang pang-ekonomiya?
    Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng mga produkto?
  • Makatutulong ba ang pag-aaral ng Ekonomiks sa kaunlaran ng isang bansa?
    Oo, natutunan dito ang iba’t ibang pamamaraan kung paano maisasagawa ang wastong pamamahagi ng mga pinagkukunang- yaman ng bansa.
  • Layunin ng Ekonomiks na matutunan ng bawat indibidwal ang matalinong pagpapasya, sa paanong paraan mo mailalapat ang konseptong ito?
    Maging mapanuri at matalino ako sa lahat ng aking gagawing desisyon
  • Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa ating mga pinagkukunang-yaman?
    Nagkaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at dahil na rin sa walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
  • Bilang isang mag-aaral, minsan nakararanas ka kakulangan at kakapusan sa pera upang matugunan ang iyong pangangailangan sa paaralan. Alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin?
    Manalangin at maghintay na may maawa at tutulong na mga kaibigan.
  • Sa halip na maglaro sa parke, pinili ni Luke na mag-aral para sa nalalapit nilang pagsusulit. Alin sa mga konseptong Ekonomiks ang kumakatawan sa paglalaro?
    Opportunity Cost
  • Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagdedesisyon MALIBAN sa isa.
    Lubhang naeengganyo si Mark na maglaro ng ML. Lubha itong nakakaaliw at natuturuan siya ng tamang estratehiyaupang matalo ang kalaban. Upang maging lalo pang bihasa ay nag-eensayo siya hanggang gabi upang maturing na pinakamagaling
  • May nagaganap na trade off at opportunity cost sa bawat pagpapasya dahil _____.
    kailangang matugunan ang mga pangangailangan.
  • Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
    Opportunity cost sa pagdedesisyon
  • Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng konsepto ng marginal thinking kung saan pinapakita ang ideya na “rational people think at the margin”?
    Kumain ng prutas at gulay si Jerry dahil ito ay mabuti sa kalusugan