Fil

Cards (28)

  • Replektibong Sanaysay
    Mapagmuning sanaysay na isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay, kung saan natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao, at kung paano naaapektahan ng mga ito
  • Ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay isang gawaing humahamon sa mapanuring pag-iisip
  • Anyo ng repleksibong sanaysay
    • Personal na sanaysay
    • Lahok sa journal
    • Diary
    • Reaksiyong papel
    • Learning log
  • Hindi gaanong limitado ng konbensyon ang repleksibong sanaysay kaya naman marami ang nasisiyahan sa pagsulat nito
  • Ang madalas na pagkakaiba ng sanaysay sa iba pang mga akademikong sulatin ay hindi na ito umaasa ng mga sanggunian, kundi galing ito sa mga personal na karanasan niya
  • Bagamat ito ay subjektibo, kailangan pa rin nitong gumamit ng akademikong wika
  • Kahalagahan ng replektibong sanaysay
    • Nakakapagpahayag tayo rito nang damdamin
    • Hinahasa nito ang tinatawag na meta-cognition
    • Magiging mas mabisa ang pagkatuto mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng repleksiyon
  • John Dewey: '"Hindi tayo natututo sa karanasan... natututo tayo sa pagbubulay sa ating karanasan."'
  • Mga katangian ng replektibong sanaysay

    • Ito ay personal at replektibo
    • May sinusunod pa rin itong direksyon
    • Hindi ito ay paraang nagkukuwento lamang kundi kailangan ito ng mataas na diwa
    • Ito ay gumagamit ng deskriptibong wika
  • Akademikong sulatin
    Posisyong papel
  • Paninidigan
    Mahalagang katangian ng tao, may malinaw na disposisyon sa buhay, hindi madaling panghinaan ng loob, at nirerespeto ang kapuwa
  • Posisyong papel
    Isang paraan upang ipahayag ang paninidigan, halimbawa: Reproductive Health Law, K-12, Bangsamoro, West Philippine Sea
  • Posisyong papel
    Isang sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o sulatin, nagkakaroon ka dapat ng panig (bias)
  • Posisyong papel
    Ang layunin ay makumbinsi ang mga mambabasa/tagapakinig na may saysay at bias ang mga argumento nila
  • Posisyong papel
    Maaaring ito ay simple katulad ng simpleng anyo ng liham sa editor o kaya ay sanaysay, pwede rin itong masalimuot (complex) katulad ng Akademikong posisyong papel o opisyal na pahayag na binabasa ng mga pandaigdigang kumperensya
  • Mga katangian ng posisyong papel
    • May malinaw na posisyon sa isang isyu, nakabatay sa facts bilang matibay na pundasyon sa argumento, walang personal na atake laban sa kabilang panig, gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian, sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon pati na sa kabilang panig, pinaglilimian ang maaaring solusyon upang matamo ang layunin, gumagamit ng Akademikong lenggwahe
  • Hakbang sa Paggawa ng posisyong papel
    1. Tukuyin ano ang mga isyu na dapat pagtuunan nang pansin
    2. Magpasiya kung ano ang posisyon
    3. Sa introduksyon, talakayin ang kaligiran (background) at kahalagahan ng paksa at ilahad ang iyong posisyon
    4. Sa bahagi ng katawan ng papel, ilagay ang buod ng argumento ng kabilang panig at pagbibigay ng impormasyon, ibigay ang salungat na argumento laban sa mga argumento ng kabilang panig upang humina ito
    5. Ilatag ang mga argumento kasama na ang inyong opinyon at maraming ebidensya para rito, isa-alang-alang ang mga mambabasa, sa konklusyon, ilahad ang argumento at patatagin ang introduksyon at katawan ng papel
    6. Magmungkahi ng solusyon sa konklusyon upang matupad ang layunin ng posisyong papel, isalang-alang ang etika sa paggawa ng posisyong papel
  • Agenda
    Listahan ng mga tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) sa isang pormal na pagpupulong
  • Agenda
    • Layunin ng dokumentong ito na bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon
    • Nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong
    • Kung ibinigay ang agenda sa mga kalahok ilang araw bago ang pagpupulong, nagkakaroon ng sapat na panahon ang bawat isa na paghandaan ang talakayan at mga desisyong mangyayari sa pulong
    • Layunin ng agenda na mabigyan ng pokus ang pagpupulong
  • Karaniwan na ang nagpapatawag ng pagpupulong (presidente, CEO, direktor, tagapamahala, pinuno ng unyon, at iba pa) ang responsable sa pagsulat ng agenda
  • Madalas silang nakikipagtulungan sa kanilang mga kalihim sa paghahanda nito dahil ang mga kalihim din ang siyang responsable sa pamamahagi ng mga agenda sa lahat ng lalahok sa pulong
  • Nilalaman ng agenda
    • Saan at kailan idaraos ang pagpupulong?
    • Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong?
    • Ano-anong mga paksa o usapin ang tatalakayin?
    • Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
  • Kahalagaan sa paghahanda ng isang agenda
    • Magsisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksiyon
    • Mas mabilis natatapos ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na pagdarusan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangang talakayin, at ang mga maaaring kalabasan ng pulong
    • Makatutulong din ang maayos na agenda sa itinalagang kalihim sa kaniyang pagtatala ng mga nangyayari sa pulong
  • Bagaman napabubuti ng malinaw na agenda ang pagiging epektibo at mabisa ng mga pagpupulong, karaniwang hindi ito gaanong pinaglalaanan ng pansin
  • May mga pagkakataong walang malinaw na agenda kaya nawawala sa pokus ang mga kalahok, na nagdudulot sa tila walang katapusang pagpupulong (na madalas ay wala naman talagang nangyayari)
  • Kung may malinaw mang agenda, may mga pagkakataong hindi ito sinusunod ng mga kalahok (kung anoano ang mga kanilang pinag-uusapan na labas sa agenda) kaya tumatagal ang pagpupulong at nasasayang lamang ang panahon ng mga kalahok
  • Isa sa mga epekto nito ang umuunting bilang ng dumadalo sa mga pagpupulong
  • Halimbawa ng agenda
    • PETSA: Ika-15 ng Hulyo 2015
    • PARA SA: MGA RESIDENT FELLOW NG SMP
    • RE: BUWANANG PULONG
    • MULA KAY: DR. ROSARIO HERNANDEZ
    • Direktor
    • Mangyaring dumating sa ating buwanang pagpupulong sa Hulyo 22, ika-12 tanghali sa SMP Conference Room. Ang SMP na ang magdadala ng ating pananghalian.
    • AGENDA:
    • Pagsisimula
    • Pag-apruba ng Agenda
    • Pag-apruba ng Katitikan ng Nakaraang Pulong
    • Mga Isyu sa Katitikan ng Nakaraang Pulong
    • Postmortem: Outreach Program
    • Update sa mga Planong Proyekto at Gawain
    • Tulaan at Kuwentuhan
    • Haraya Manawari
    • Pambansang Kumperensiya
    • Isabela Outreach Program
    • Iba pang Gawaing Wala pang Iskedyul
    • Career Talk
    • Paglulunsad ng mga Aklat
    • Seminar-Workshop sa Pagsulat ng Personal na Sanaysay
    • Mga Paalaala para sa mga Resident Fellow
    • Iba pang bagay
    • 10. Petsa ng susunod na buwanang pulong: Ika-20 ng Agosto 2015