Triple Entente- Isang alyansa ginanap ng Britain noong WW1. Binubuo ng mga bansang Britain, Russia, at Italy.
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
• Nasyonalismo
• Imperyalismo
• Militarismo
• Alyansahan
Nasyonalismo- Ito ang damdamin na matinding pagmamahal at katapatan sa sariling bansa.
Imperyalismo- Ito ang pananakop at pagkontrol ng isang bansa sa gobyerno, ekonomiya, at politikal na kapangyarihan ng isang bansa.
Militarismo- Ito ang pagpapalakas ng hukbo at armas para maging handa sa mga digmaang paparating.
Alyansahan- Ito ang pagsasama ng iba't ibang bansa, upang mas lumakas at rumami ang hukbo, armas, materyales, at kapangyarihan.
Franco-Prussian War- Isang digmaang ng Germany at France noong 1870, pinag-aagawan nila dito ang Alsace Lorraine.
Otto Von Bismarck- Ang gumawa ng alyansang triple alliance. Blood-and-Iron Chancellor ng Germany
Willhem II- Ang hari ng Germany hanggang sa katapusan ng WW1.
• 1892 - Ang Russia ay nakipag-alyansa sa France.
• Sinimulan ni Wilhelm II ang pagpapalakas ng hukbong dagat ng bansa upang maparisan ang lakas ng hukbong dagat ng Britain.
• Ang aksiyong ito ay naghudyat sa Britain na buuin ang Triple Entente o alyansa ng France, Britain, at Russia
Triple Alliance- Alyansang ginawa ni Otto Von Bismarck upang makapaghanda sa susunod na mga digmaan. Binubuo ng mga bansang Germany, Austria-Hungary, at Italy.
Balkan Peninsula- Tinawag na Powder Keg o mapanganib na rehiyon ng Europa. Imperyong Ottoman ang may-ari nito
Ang Serbia na may malaking populasyong Slavic ay nagnais na mapasama lahat ng mamamayang Slavic sa iisang bansa.
-Suportado ng Russia ang Serbia.
• Salungat ang kagustuhan ng Austria-Hungary sa gustong mangyari ng Serbia at Russia.
• 1908 – Sinakop ng Austria-Hungary ang Bosnia at Herzegovina na malalaking teritoryong pinaninirahan ng mga Slavic
• Archduke Franz Ferdinand – pinuno ng Austria-Hungary.
• June 28,1914 -bumisita si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawa na si Sophie sa Sarajevo, kabisera ng Bosnia.
• Ang mag-asawang monarka ay binaril ni Gavrilo Princip, isang Serbian at miyembro ng Black Hand.
Naghayag ang Austria ng ultimatum na tinugon ng Serbia.
• August 2, 1914 - Kumilos ang Russia sa pagharang ng hangganan ng Germany. Sanhi ito ng pagdeklara ng pakikidigma ng Germany sa Russia.
• August 10, 1914 - Sinalakay ng Austria-Hungary ang Russia
Labanan sa Western Front
• Ang labanan sa Western Front ay nagsimulang salakayin ng Germany ang Belgium upang mapasok ang France.
• Dahil nilabag ng Germany ang neutrality ng Belgium, ang Britain ay nagdeklara na rin pakikidigma sa Germany.
Ang Dardanelles ay isang kipot na nagdurugtong sa Black Sea at Mediterranean Sea na natatanging daan patungong Turkey na sentro ng Imperyong Ottoman.
• Unrestricted Submarine Warfare – Isang uri ng labanang Pandagat kung saan pinalulubog ng isang submarine ang mga sasakyang dagat at tanke nang walang babala.
• Lusitania – pampasaherong barkong Britain na pinalubog ng Germany kung saan namatay ang 1,198 katao kasama ang 128 mamamayang Amerikano noong May 7, 1915.
Ang sitwasyon ay lumala pa ng maharang ng US ang telegrama ni Arthur Zimmermann, na nagsasaad ng alok nitong pagtulong ng Germany sa Mexico.
• Total War – naglalarawan ng matinding digmaang kinailangan ang pagpapakilos o paggamit ng yaman ng bansa, likas man o tao.
Propaganda -Ginagamit upang mahikayat ang mga tao na sumali sa digmaan.
Czar Nicholas II -Napababa sa trono dahil sa pag-aalsang naganap sa Russia.