Isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa Daigdig ay ang Australia at Ocenia. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba pa.