Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman
Ekonomiya
Nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos ay nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala
Sambahayan at ekonomiya
Maraming pagkakatulad
Sambahayan
Gumaganap din ng iba't ibang desisyon
Pamayanan
Kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, pano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin
Kakapusan
Kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital
Mga tanong sa kakapusan
Ano ang gagawin?
Paano gagawin?
Para kanino?
Gaano karami?
Trade off
Ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay
Opportunity cost
Tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon
Rational people think at the margin
Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon