Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang dalawang (2) taong nag-uusap
Mabisang communicator
Ang taong nagtataglay ng kasanayang komunikatibo o communicative competence
Komponent ng kakayahang komunikatibo
Lingguwistik o gramatikal
Sosyolingguwistiko
Istratejik
Diskorsal
Ang kasanayang komunikatibo o communicative competence ay nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong 1996
Kakayahang lingguwistiko o gramatikal
Kaalaman sa wika bilang code na hinubog ng mga patakaran ng gramatika, bokabularyo, ortograpiya, ponolohiya, ponetika, morpolohiya, sintaks at semantika
Ponolohiya o palatanungan
Makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog (ponema) na bumubuo ng isang wika
Ponemang segmental
Ponemang patinig: /a, e, i, o, u/
Ponemang katinig: /p, t, k, b, d, g, m, n, ng, h, l, r, s, w, y/
Ponemang suprasegmental
Makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat, sinisimbolo ito ng notasyong phonemic
Ponemang suprasegmental
Tono/intonasyon (pitch)
Diin (stress)
Hinto/antala (juncture)
Morpolohiya o palabuuan
Makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamalaiit na yunit ng isang salita o morpema
Morpema
Salitang-ugat
Panlapi
Morpemang binubuo ng isang ponema
Sintaks
Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap, pagsama-sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o mga pangungusap
Sintaks
Pinatawag ng nanay ang bata (karaniwan)
Ang bata ay pinatawag ng nanay. ('di karaniwan)
Semantika
Tumatalakay sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga morpema, salita, parirala at pangungusap