ARALIN 1: Kahulugan ng Ekonomiks

Cards (19)

  • Ekonomiks - Ang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
  • Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na "oikonomia"
  • Ekonomiya at sambayanan - Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
  • Prinsipyong nakaaapekto sa pagpapasya ng tao:
    1. Trade-off
    2. Opportunity cost
    3. Marginalism or Marginal Thinking
    4. Incentives
  • "Rational people think at the margin." - Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
  • Trade-off - Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
  • Opportunity cost - Tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
  • Opportunity cost - Tumutukoy sa alternatibong isinuko mo sa iyong pagpili.
  • Marginal thinking - Ito ang pagsuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
  • Incentives - Tumutukoy sa pakinabang na makukuha o matatanggap mo kung pipiliin mo ang isang bagay.
  • 2 Dibisyon ng Ekonomiks:
    • Maykroekonomiks
    • Makroekonomiks
  • Maykroekonomiks - May ugnayan sa desisyong binubuo ng bawat sambayanan at bawat bahay-kalakal.
  • Makroekonomiks - Tinatalakay nito ang kabuuang salik ng produksyon ng bansa at maging ang pambansang kita.
  • Mga Paraan upang maisabuhay ang pag-aral ng Ekonomiks:
    • Pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip
    • Pagkakaroon ng kamalayan sa kaganapan sa lipunan
    • Pagiging matalinong botante sa susunod na panahon
    • Pagiging isang responsableng mamamayang Pilipino
  • 2 Pangunahing gawain ng Ekonomiks:
    • Pagkunsumo
    • Paglikha (poduksyon)
  • Kakapusan or Scarcity - tumutukoy sa pagiging limitado ng mga pinagkukunang yaman.
  • Pangangailangan - Ang mga bagay na mahalaga sa tao upang mabuhay.
  • Kagustuhan - Mga bagay na ninanais ng tao upang mapagaan at maging maginhawa ang pamumuhay.
  • ang salitang oikonomia ay nagmula naman sa dalawang salita: Ang "oikos" - bahay at "nomos" - pamamahala