ARALIN 3: Alokasyon at Sistemang Pang-ekonomiya

Cards (11)

  • Alokasyon - isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat na pinagkukunang-yaman yaman ng bansa.
  • Sistemang pang-ekonomiya - Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
  • Iba't ibang sistemang pang-ekonomiya :
    1. Traditional Economy
    2. Market Economy
    3. Command Economy
    4. Mixed Economy
  • Traditional Economy - Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
  • Market Economy - Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok-konsyumer at prodyuser, kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
  • Presyo - Ito ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
  • Presyo - Ito ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.
  • Command Economy - Sa ganitong sistema, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).
  • Mixed Economy - Ito'y isang sistema na kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.
  • Ang salitang "mixed economy" ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may katangian na bunga ng pagsasanib o kumbinasyon ng command at market economy.
  • 4 na Pangunahing Katanungan na Pang-ekonomiko:
    1. Ano ang gagawin?
    2. Paano gagawin?
    3. Para kanino gagawin?
    4. Gaano kadami ang gagawin?