Lupa - May naiibang katangian dahil ito ay fixed o takda ang bilang.
Lakas-paggawa - Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
Dalawang uri ang lakas-paggawa:
Manggagawang may kakayahang mental o may white-collar job.
2. Manggagawang may kakayahang pisikal o may bluecollar job.
Manggagawang may kakayahang Mental - Mas ginagamit nila ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.
White-collar - Ang katawagang ito ay unang ipinakilala ni UptonSinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.
Manggagawang may kakayahang pisikal -
Mas ginagamit nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa.
Sahod o sweldo - ito ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.
Kapital - Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
Ayon sa artikulo ni EdwardF.Denison na may pamagat na "The Contribution of Capital to Economic Growth" (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
Interes -Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon.
Entrepreneurship - Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
Entrepreneur - Siya ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo.
JosephSchumpeter - Ipinaliwanag ng isang ekonomista ng ika-20 siglo na ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
Mga Katangian na dapat Taglayin upang maging Matagumpay na Entrepreneur:
Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
Tubo o profit - Ito ay kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo.