Module 6

Cards (21)

  • Tsismisan
    tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa.
  • gossiper
    ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba,
  • tismosa
    kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan minsan lamang kung magsabi ng katotohanan ang mga tsismosa, at kung oo naman ang mga kwento ay madalas na exaggerated.
  • tsismis
    kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan.
  • kasong libel o slander.
    Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng dignidad ay itinuturing na paninirangpuri, at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng
  • UMPUKAN
    ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.
  • halimbawa ng umpukan
    pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo.
    • Dito makikita natin ang mga tao ay may kanya-kanyang katwiran batay sakanilang mga opinyon.
  • TALAKAYAN
    Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan nito, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.
  • Uri ng Pagtatalakayan
    Impormal na Talakayan
    Pormal na Talakayan
  • Impormal na Talakayan
    Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at
    walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng
    lima hanggang sampung katao.
  • Pormal na Talakayan
    Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong
    mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa
    kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro.
  • Mga Uri ng Pormal na Talakayan
    Panel Discussion
    Simposyum
    Lecture-Forum o Panayam
  • Panel Discussion
    Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan
    ng mga tagapakinig.
  • Simposyum
    Kahawig ng panel discussion pero ito ay mayroong tiyak na paksang
    tatalakayin ng bawat kasapi sa panel.
  • Lecture-Forum o Panayam
    Ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng
    mahalagang suliranin. Maaaring maglahad at magtalakay ng maraming
    paksa at pagkatapos ay malayang pagtatanong upang linawin ang
    paksang tinalakay.
  • talakayan o debate dayalogo
    isasagawa kung kailan magkaroon ng bagay na hindi mapagkaunawaan at
    nangangailangan ng paglilinaw ng magkatunggali sa layunin upang mangingibabaw ang katotohanan, kaya nararapat na ayusin ang mga salita, linawin ang mga katibayan, iwasan ang mga agam-agam sa salita o
    pananaw at paniniwala.
  • PANGKATANG TALAKAYAN
    Impormal na Debate o Pagtatalo
    Formal na Debate
    PAGBABAHAY-BAHAY
  • Impormal na Debate o Pagtatalo
    Karaniwang isinagawa sa loob ng klase kapag may napapanahong
    isyung pinag-uusapan. Wala itong mga tuntuning sinusunod at
    malayang makapagsasalita ang lahat tungkol sa panig na gusto
    nilang pangatwiraan.
  • Formal na Debate
    Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin ang
    debating ito. May dalawa itong pangkat ng mga magtatalo para sa
    panig afirmatibo o negatibo. Magpapalitan sila ng talino batay sa
    ilalahad na matitibay na katwiran at katibayan.
  • PAGBABAHAY-BAHAY
    isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon.
  • PULONG-BAYAN
    Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago.