ARALIN 8: Mga Karapatan at Pananagutan ng Mamimmili

Cards (22)

  • Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang mga kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mamimili.
  • Ang sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na ito: Republict Act 7394
    • Kaligtasan at proteksiyon ng mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan.
    • Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya.
    • Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mamimili.
    • Representasyon ng kinatawan ng mga samahan at mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan.
  • Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Depatment of Trade and Industry o DTI) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili at nagpalaganap rin ng limang pananagutan ng mga mamimili.
  • Walong Karapatan Ng Mamimili:
    1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
    2. Karapatan sa Kaligtasan
    3. Karapatan sa Patalastasan
    4. Karapatang Pumili
    5. Karapatang Dinggin
    6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
    7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
    8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
  • Limang Pananagutan Ng Mga Mamimili:
    1. Mapanuring Kamalayan
    2. Pagkilos
    3. Pagmamalasakit na Panlipunan
    4. Kamalayan sa Kapaligiran
    5. Pagkakaisa
  • Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
  • Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
  • Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkulin na alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig na komunidad.
  • Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkulin na mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo.
  • Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitataguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
  • Consumer Protection Agencies:
    1. Bureau of Food and Drugs (BFAD)
    2. City/Provincial/Municipal Treasurer
    3. Department of Trade and Industry (DTI)
    4. Energy Regulatory Commission (ERC)
    5. Environmental Management Bureau (DENR-EMB)
    6. Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)
    7. Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB)
    8. Insurance Commission
    9. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
    10. Professional Regulatory Commission (PRC)
    11. Securities & Exchange Commission (SEC)
  • Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/ pinagbabawal / maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up.
  • City/Provincial/Municipal Treasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat.
  • Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya- maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.
  • Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di- wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mg mangangalakal ng "Liquified Petroleum Gas"
  • Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon- halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).
  • Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan / pinagbabawal / maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot.
  • Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) - Nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdivision.
  • Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro.
  • Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - Reklamo laban sa illegal recruitment activities.
  • Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp.
  • Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain.