Module 8

Cards (15)

  • KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
    Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe nang hindi ginagamitan ng salita. Gumagamit ng kilos o galaw ng katawan.
  • Albert Mehrabian
    93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di – verbal na komunikasyon.
  • E. Sapir
    Ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
  • IBA’T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON
    Kinesics
    Proxemics
    Haptics
    Paralanguage
    Katahimikan/Hindi Pag-imik
  • Kinesics
    Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
  • Proxemics
    Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
  • Haptics
    Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.
  • Paralanguage
    Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
    Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto.
  • Katahimikan/Hindi Pag-imik
    nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. inihahanda nito tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.
  • GALAW NG KATAWAN NA GINAGAMIT SA DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON:
    Ekspresyon ng mukha
    Galaw ng mata
    Kumpas
    Tindig o Postura
  • Ekspresyon ng mukha
    Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot
    kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag
  • Galaw ng mata
    Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
  • Kumpas
    Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan, mga pagpapakita ng karamdamang
    pisikal, emosyonal at marami pang iba.
  • Tindig o Postura
    Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong kalseng tao ang iyong kaharap o kausap.
  • MGA EKSPRESYONG LOKAL
    ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya.
    Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipagusap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.