Talaan ng buhay sapagkat dito isinisiwalat at ipinapahayag ng tao ang makulay niyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, at ang daigdig na kanyang kinabibilangan
PANITIKAN
Lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng Lipunan
PANITIKAN
Maaring piksyon o di-piksyon
PANITIKAN
Kahit anong nasusulat ng gawa ng tao. Kabilang na dito ang mga libro, nobela, tula, at iba pang komposisyong mayroong halaga sa lipunan
PANITIKAN
Naglalarawan ng pamumuhay, kultura, at paniniwala ng isang lahi
PANITIKAN
Pagpapahayag ng nararamdaman ng tao tungkol sa iba't-ibang bagay dito sa daigdig, tulad ng kanilang pamumuhay, pamahalaan, lipunan, at ugnayan ng kanilang kaluluwa sa dakilang lumikha
URI NG PANITIKAN
Batay sa paraan ng pagsasalin o pagpapahayag: Pasalin-dila o pasalita, Pauslat
Batay sa anyo: Tuluyan o prosa, Patula
TULUYAN O PROSA
Nasusulat sa karaniwang anyo ng pangungusap o patalatang paraan (paragraph form)
NOBELA
Mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing (sunod-sunod) na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon
NOBELA
Kinasasangkutan ng maraming tauhan, at nahahati sa mga kabanata
Nobela
"Luksang Tagumpay" ni Teofilo Sauco (pangyayari)
"Nene at Neneng" ni Valeriano Pena (tauhan)
"Salawahang Pag-ibig" ni Lope K. Santos (pag-iibigan)
"Paghihimagsik ng Masa" ni Teodoro Agoncillo (kasaysayan)
MAIKLING KWENTO
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring naganap sa isang tiyak na panahon na nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa
MAIKLING KWENTO
Maikli lamang, Walang kabanata, Kakaunti ang mga tauhan
Maikling Kwento
"Kwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza-Matute (tauhan)
"Yumayapos ang Takipsilim" ni G.E.M. (pangkapaligiran)
"Dugo at Utak" ni Cornelio Reyes (sikolohikal)
"Suyuan sa Tubigan" ni Macario Pineda (pangkomunidad)
DULA
Akdang isinulat upang itanghal sa entablado o tanghalan
DULA
Nahahati ito sa 3 yugto o higit pa bagamat maaari din na isang yugto lamang
Uri ng Dula
Dulang Komedya- nakakapagpatawa ng manonood
Dulang Trahedya- tungkol sa problema at kalungkutan, at nagtatapos sa kamatayan ng pangunahing tauhan
Dulang Melodrama- kasawian ng pangunahing tauhan ngunit nagwawakas sa kanyang tagumpay
ALAMAT
Salaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
ALAMAT
Malayos sa katotohanan, ito ay kathangisip lamang ng mga ninuno pagtangka nilang ipaliwanag pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mapagkukunan ng kaisipan ng mga tumpak na paliwanag tulag ng agham at bibliya
PARABULA
Salaysay na kinasasangkutan ng mga hayophalaman, at mga bagay na walangbuhay na kumikilos at nagsasalita na parang tunay na tao
PARABULA
Layuning pukawin ang mga isipan ng mga bata sa mga aral nahubog sa kanilang pagkilos at pag-uugali
Parabula
"Ang pagong at ang matsing"
"Parabula ng Alibughang Anak"
ANEKDOTA
Maikling salaysayin, Layuningmang-aliw o magbigay ng aral sa mga mambabasa
Anekdota
"Ang Gamo-gamo at ang Munting Ilawan"
SANAYSAY
Pagpapahayag ng mga kuro-kuro o opinyon ng may-akda hinggil sa isang suliranin o paksa
Uri ng Sanaysay
Pormal- hindi pangkaraniwan at kinakailangan ng masusing pag-aaral o pananaliksik
Di-pormal- pangkaraniwan na hindi kinakailan ng pananaliksik. Karaniwang batay sa karanasan o pagpapahayag ng sariling obserbasyon/ pananaw sa isang paksa
Sanaysay
Editoryal
TALAMBUHAY
Kasaysayan ng buhay ng isang tao
TALAMBUHAY
Maaring tungkol sa buhay ng may akda o ng ibang tao
TALAMBUHAY
Ang talambuhay na isinulat ng may-akda tungkol sa buhay ng ibang tao at tinatawag na "kathang-buhay o talambuhay na paiba"
BALITA
Paglalahad ng mga pangyayari sa kapaligiran maging sa loob o labas ng bansa
Uri ng Balita
Balitangpang-ekonomiya
Pampulitika
Pang-edukasyon
Pang-industriya
Kalagayan ng panahon
Pangkalusugan
Pampalakasan/sports
Pang-agham
Pang-artista o showbiz
TALUMPATI
Pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
Uri ng Talumpati
Nanghihikayat
Nagpapaliwanag
Nangangatwiran
Nagbibigay ng Impormasyon
Nanlilibang
Pagbati
Nagbibigay ng Opinyon
PATULA
Panitikang nasusulat sa anyong patula o may taludturan at saknungan
PATULA
Maaaring may sukat at tugma o di kaya'y malayang taludturan na ibig sabihin ay walang sukat at tugma
Uri ng Patula
Tulang Pasalaysay
Tulang Pandamdamin o Liriko
Tulang Padula o Dramatiko
Tulang Patnigan
TULANG PASALAYSAY
Kwento ng mga pangyayari na nasusulat ng patula, may sukat, at tugma
TULANG PASALAYSAY
Nauuri ayon sa paksa, pangyayari, at tauhan
Tulang Pasalaysay
Epiko- nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala
Awit at Kurido- tulang pasalaysay na binabasa sa himig paawit. Tungkol sa pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan, kataksilan, at pagtakas sa karahasan ng katotohanan, kaya't karaniwang kinapapaloban ito ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala tulad ng mga Mahika, kababalaghan, at mga pangyayaring supernatural