Module 9

Cards (10)

  • Flip-Top
    Ito`y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama`t sa Flip-Top ay hindi nalalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.
  • Pick-up Lines
    makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
  • Hugot Lines
    tinatawag ding love lines o love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsa`y nakakainis.
  • SMS
    Short Messaging System
  • Kaya naman tinagurian tayong Texting Capital of the World higit na itong popular kaysa sa pagtawag sa telepono dahil mas mabilis at mas mura ito kesa sa tawag.
  • Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet
    Marami ang pagtuturing dito na isang biyaya dahil nagiging daan ito ng
    pagpapadali ng kominikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o sa mahal mo sa buhay na malayo sa isa`t isa.
  • Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
    Wikang Ingles parin ang higit na ginagamit sa board room ng malalaking kompanya gayundin sa multinational companies at Business Process Outsourcing (BPO) o call centers pero sa sangay ng production line at pagawaan wikang Filipino parin ang kanilang ginagamit guyundin sa
    mga mall, restaurant, mga pamilihan, palengke at maging sa direct selling.
  • Sitwasyong Wika sa Pamahalaan
    Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg, 335, Serye ng 1988 na nag-aatas sa lahat ng mg kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya at instumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya, upang maging malawak ang paggamit ng
    wika sa iba`t ibang antas at sangay ng pamahalaan Ito ang malaking kontribusyon
    ni dating pangulong Corazon Aquino
  • Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
    Ayon sa itinatandhana ng K-12 Basic Education Curriculum sa mababang paaralan (K hanggang grade 3) ay unang wika ang kanilang gagamitin bilang medium ng pagtuturo at bilang hiwalay na asignatura.
  • Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba`t ibang Sitwasyon
    Isa sa mga uri ng sosyolek ang nais bigyan diin dito ang paggamit ng mga jargon o mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba`t ibang hanapbuhay o larangan.