isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang
masagot ang isang tanong, makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho
Katangian ng Pananaliksik
Obhetibo
Sistematiko
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
Empirikal
Kritikal
Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan
Obhetibo
Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat, kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
Sistematiko
Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy
nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at kalalabasan ay maaaring maging desisyong pangkasalukuyan.
Empirikal
Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o na-obserbahan ng mananaliksik.
Kritikal
Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan
Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad, at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuuan.
pananaliksik ayon kina Constantino at Zafra
isang masusing pagsisiyasat at pagsusurisa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian
pananaliksik Ayon kay Galero-Tejero
Eto ay may tatlong(3) Mahalagang layunin:
una, isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya
pangalawa, mula sa pananaliksik malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito
pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema suliranin