Aralin 4

Cards (28)

  • Bago pa dumating ang mga Kastila mayroon nang kalinangan ang Pilipinas
  • Kalinangan ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila
    • Pamahalaan (barangay)
    • Batas
    • Pananampalataya
    • Sining
    • Panitikan
    • Wika
  • Padre Pedro Chirino sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas (1604) ay patunay sa kalinangan ng Pilipinas
  • Pagsulat ng mga katutubo
    • May sariling pagsulat na tinatawag na baybayin
    • Ang paraang pagsulat ay patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod-sunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan
    • Ang kanilang papel ay ang mga biyas ng kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy, makikinis na bato
    • Ang kanilang panulat ay ang dulo ng matutulis na bakal o lanseta
  • Karamihan sa mga panitikan noon ay pasalin-dila mayroon ding mga naisulat
  • Ang mga panitikang ito ay ipinasunog ng mga prayle sapagkat sa paniniwalang gawa ito ng diyablo
  • May mga natira at ginamit ng mga arkeologo sa pag-aaral
  • Kapanahunan ng mga Alamat at Kwentong Bayan
    Nagsimula sa kauna-unahang panahon ng ating lahi hanggang sa pagtatapos ng ikalawang pandarayuhan dito sa ating pulo ng mga Malay sa pali-libot ng taong 13A.D.
  • Kapanahunan ng mga Epiko o Tulang Bayan
    Nalolooban ng taong 1300 A.D. hanggang sa panahon ng pananakop ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 A.D.
  • Mga uri ng panitikan bago dumating ang mga Kastila
    • Bulong
    • Alamat
    • Kasabihan
    • Bugtong
    • Kantahin
    • Karunungang-bayan
  • Bulong
    Ginagamit na pangkukulam o pang-eengkanto
  • Mito
    Tuluyang panitikan na nagsasalaysay na mga itinuturing na totoong nagaganap sa lipunan noong mga panahong nagdaan, kaugnay ng teolohiya at rituwal, naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa, at maaari ring kuwentong tungkol sa mga diyos at diyosa
  • Alamat
    Itinuturing na tiniim ng mga nagkukuwento at ng mga nakikinig, daigdig ng alamat ay hindi sagrado, tao ang pangunahing tauhan nito, isinasalaysay ang migrasyon, digmaan at tagumpay na nagawa ng mga bayani, hari o datu at ng mga sumunod na nagungulo sa bayan, at nabibilang dito ang tungkol sa mga natatagong kayamanan, mga santo, mga engkanto at mga multo
  • Mga pangkat ng alamat
    • Etiological
    • Non-Etiological
  • Etiological
    Sumasagot sa tanong na kung paano pinangalanan ang mga bagay o pook at kung bakit nagkaganoon
  • Non-Etiological
    Nauukol sa mga dakilang tao at sa mga pagpaparusa ng malaking kasalanan, kasama ang mga alamat ng santo, mga supernatural na nilikha tulad ng aswang, tikbalang, engkantado, multo at mga ibinaong kayamanan
  • Salaysayin
    Kinabibilangan ng mga pabula, mga kuwentong engkantado, mga kuwentong panlinlang, katusuhan, kapilyuhan o katangahan, at iba pa, kabilang ang iba't ibang kwento tungkol kay Juan
  • Kantahing-bayan
    Inaawit ng ating mga ninuno sa saliw ng mga makalumang instrumento, nagpapahayag ng damdamin, pamumuhay, karanasan, pananampalataya, kaugalian at hanapbuhay, oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo
  • Mga uri ng kantahing-bayan
    • oyayi o hele (pagpapatulog ng bata)
    • soliranin o talindaw (Pamamangka)
    • diona (Pangkasal)
    • kumintang (Pandigma)
    • kundiman (Pag-ibig)
    • dalit o himno (Pagpupri sa mga diyos-diyosan ng mga Bisaya)
    • dung-aw (Patay o pagdadalamhati)
    • sambotani (Pagtatagumpay)
    • maluway (Sama-samang paggawa)
    • kutang-kutang (Panlansangan)
    • rawitdawit (Lasing)
    • pangangaluluwa (Araw ng patay)
    • pananapatan (Panghaharana ng mga tagalog)
    • balitaw (Panghaharana ng mga Bisaya)
  • Karunungang-bayan
    Konseptong naglalayong mapanatili at palawakin ang kaalaman tungkol sa mga tradisyon, kaugalian, at mga kasanayang nagmula sa mga naunang henerasyon, nagbibigay-kahulugan sa pagiging Pilipino at nagpapalakas sa pagkakaisa ng mga mamamayan, binubuo ng mga bugtong at palaisipan, salawikain at kasabihan
  • Bugtong
    Binubuo ng mga parirala o pangungusap na patula at patalinghaga, mga pinagkuhanan ay mga bagay na nakikita araw-araw sa kanilang kapaligiran, mga bagay na may malaking kaugnayan sa kanilang buhay
  • Palaisipan
    Nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, nangangailangan ng talas ng isip, mga palaisipang hindi patula ang pagkakasulat
  • Salawikain
    Mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian, patalinghaga ang mga nilalaman
  • Mga halimbawa ng salawikain
    • Ang nagtitiis ng hirap, may ginhawang hinahangad
    • Hindi ka man magmana ng salapi, magmana man lang ng mabuting ugali
  • Kasabihan o Kawikaan
    Mga konseptong nagbibigay-aral na hinango mula sa bibliya
  • Mga halimbawa ng kasabihan o kawikaan
    • Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga
    • Kung anong bukang bibig ay siyang laman ng dibdib
  • Bulong
    Ginagamit na pangkukulam o pang-eengkanto, sinasabi kapag may nadaanang punso sa lalawigan na pinaniniwalaang tinitirahan ng mga duwende o nuno
  • Mga halimbawa ng bulong
    • Huwag magalit kaibigan, Aming pinuputol lamang, Ang sa ami'y napag-utusang
    • Tabi po, huwag sanag manuno, makikiihi lang po