● Ito ang lugar o pook kung saan naguusap o nakikipagtalastasan ang mga
tao.
● Kinukunsidera natin ang lugar na
pinangyayarihan ng pakikipagtalastasan
upang maiangkop ang paraan ng ating
pananalita.
Participants
● Ito ang mga taong
nakikipagtalastasan. Isinasaalang-alang din natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kausapin.
Ends
• Ito ang mga layunin o pakay ng mga
pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng konsiderasyon ang pakay o layunin sa pakikipag-usap. 2. Nararapat isaalang-alang ang layunin natin upang maiangkop natin ang paraan ng ating
pakikipagtalastasan.
ActSequence
• Ito ang takbo ng usapan. Ang isang mahusay na komunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.
Keys
• Ito ang pagsasaalang-alang ng tono sa pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan kung ito ba ay pormal o di-pormal.
Instrumentalities • Ito ang tsanel o midyum na
ginamit, pasalita, o pasulat. Dapat
isa-isip ang midyum ng
pakikipagtalastasan. Iniaangkop
natin ang tsanel na gagamitin sa
kung ano ba ang sasabihin natin
at kung saan natin ito sasabihin.
Norms: Ito ang paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan.
May mga sensitibong bagay na kung
minsan ay limitado lamang ang ating
kaalaman. 2. Sa mga ganitong sitwasyon, suriin muna natin kung ang ilalahadnatin ay tama o hindi. O di kaya minsan
ay mga paksang ekslusibo.
Genre: Ito ang diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangagatwiran. Dapat iangkop ang diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasan. Minsan dahil sa miskomunikasyon sa genre ay hindi nagkakaunawaan ang magkausap.