Filipino

Subdecks (3)

Cards (82)

  • Mga Paraan ng Pagpapahayag
    Pagsasalaysay
    Paglalahad
    Paglalarawan
    Pangangatwiran
  • Banal na Kasulatan o Bibliya - ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.
  • Panitikan -“yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa
    maganda, makahulugan at masining na mga pahayag.”
  • Koran - ang pinakabibliya ng mga Muslim.
  • Ang Iliad at Odyssey - ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer.
  • Ang Mahabharata - ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ng kasaysayan
    ng pananampalataya ng India.
  • Canterbury Tales - naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
  • Uncle Tom’s Cabin - akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging karumal-
    dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya.
  • Ang Divine Comedia - Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
    Italyano nang panahong yaon.
  • Ang El Cid Compeador - nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang
    pambansa.
  • Ang Awit ni Rolando - Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong
    panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
  • Ang Aklat ng mga Patay - naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
  • Ang Aklat ng mga Araw - Akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Instik sa kanilang
    pananampalataya.
  • Isang libo’t Isang Gabi - mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
    pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
  • Tuluyan - yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
  • Patula - ay yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod at saknong.
  • Nobela - ito’y isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga
    pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
  • Maikling Kuwento - ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.
  • 3. Dula - ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahti ito sa ilang yugto at sa bawat yugto ay
    maraming tagpo.
  • Alamat - ito’y mga salaysaying hubad sa katotohan. Tungkol sa pinamuan ng bagay ang karaniwang paksa rito.
  • Pabula - mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa
    mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito.
  • Anekdota - mga likhang-isip laang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay
    makapagbigay-aral sa mga mambabasa. Maaring ito’y isang kuwento ng mga hayop o bata.
  • Sanaysay - ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang
    pinakamahusay na halimbawa nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan.
  • Talambuhay - ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaring ito’y pang-iba o pansarili.
  • Balita - ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at
    agham, mga sakuna at iba pang paksang nagaganapa sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
  • Talumpati - ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin nito ay
    humihikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.
  • Parabula - ito’y mga salaysaying hango sa Biblliya na tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y makapagbigay-aral sa
    mga mambabasa o nakikinig.