Repormasyon

Cards (7)

  • Repormasyon
    Kilusang ibinunsod ang malaking pagbabago ng tao tungkol sa sarelihiyon. Nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang Katoliko, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina.
  • Martin Luther
    Nabagabag at nagsimulang magduda sa katuruan ng Simbahan at Bibliya tungkol sa kaligtasan. Ang pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
  • Indulhensiya
    Tawag sa pagpapababa o pagpapawalang bisa sa kasalanan ng tao kapalit ng halaga o salapi.
  • Ang siyamnapu't limang theses ay isinulat tungkol sa mga bagay na hindi nagustuhan ni Martin Luther tungkol sa simbahan. Ang protestang ito ay laban sa pang-aabuso ng mga klerigo, lalo na ang pagbebenta ng indulhensiya.
  • Protestantismo
    Sangay ng Kristiyanismo na naniniwalang ang pinagmulan ng awtoridad sa kabuuan ng buhay ay ang Bibliya at hindi ang Santo Papa o Simbahang Roman Katoliko. Tanging ang Bibliya lamang ang nag-iisang pinanggagalingan ng espesyal na kapahayagan ng Diyos sa sangkatauhan at itinuturo nito ang lahat na dapat malaman ng tao tungkol sa kaligtasan at mga gawang nakalulugod sa Diyos.
  • Kontra-repormasyon
    Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Isinagawa ito ng Konseho ng Trent, Inquisition at ng mga Samahan ng mga Heswita.
  • Kontra-repormasyon
    1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa
    2. Pag-aalis ng simony (pagbibigay ng suhol)
    3. Ang mga tauhan ng simbahan ay hindi maaaring italaga sa anumang katungkulan sa simbahan na pinili ng isang hari