KOMPANA(1)

Cards (213)

  • Wika
    • Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao
    • Kasangkapan ng tao - naiisip, nadarama, nakikita sa paligid
    • Naitatala at nailalarawan ng mga unang tao ang kanilang karanasan noong unang panahon
    • Nasasalamin ng tao ang uri ng pamumuhay ng ninunong pinagmulan ng mga mamamayan sa isang bansa
  • Henry Allan Gleason
    Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura
  • John Locke
    Ang wika ay arbitraryong walang kahulugan kundi naglalaman ng ideya sa pag-iisip ng tao
  • Sapiro
    Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa pamamaghitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog
  • Archibald Hill
    Ang wika ang pangunahin at pinakakomplikadong anyo ng simbolikong gawaing pantao
  • Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipag-aral ng paksang ito
  • Maraming batayan ang pinagmulan ng wika batay sa siyentipikong paraan. Sa paglipas ng panahon, maraming teorya ang lumabas na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng wikang ginagamit sa kasalukuyan
  • Max Muller at George Romanes
    Dalawa sa mga dakilang mananaliksik ng Teorya ng Wika
  • Ang wika ay nagmula sa mga tao (Homo Sapiens) o sa mga unang tao
  • Rene Descartes
    Ang wika ang napapatunay na ang tao ay kakaiba
  • Plato
    Ang wika ay nabuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao at nagpapahayag na may hiwagang kaugnasan sa kalikasan at mga kinatawan nito
  • David Berlo
    Ang wika ay maaaring nalathala o napalipat sa pamamagitan ng tubig na maaaring gawing batayan ng pinagmulan ng wika sa daigdig
  • Teoryang mula sa Kahariang Ehipto
    Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo (Unconsciously learning the language)
  • Teoryang Biblikal
    Ang pagpapatayo ng tore ng Babel dahil ninais ng mga tao na abutin ang Diyos. Nagalit daw dito ang Diyos at nagsabig siya ng maraming wika upang malita ang lahat ng tao at sila ay hindi na magkaintindihan
  • Charles Darwin
    • Ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagturo sa kaniya upang makalikha at makabuo ng iba't-ibang wika
    • Halimbawa: "tsaa" - nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina, "kobyertos" - nakuha sa pakikipagsapalaran sa mga Espanyol
  • Teoryang Dingdong
    • Batay sa paniniwala na ang mga bagay sa kapaligiran ay may kaugnay sa tunog at ang mga tunog na ito ay ginaya at ginawang batayan sa pagbuo ng salita
    • Halimbawa: "iiiit" (tunog ng binubuksang pinto), "Kriling kriling" (kalansing ng mga barya)
  • Teoryang Bow-Wow
    • Pinaniniwalaang ang ilang hayop at kalikasan ay nakalilikha ng katutubong tunog na ginamit namang batayan ng tao sa paglikha ng salita
    • Halimbawa: tilaok ng manok, hiyaw ng pusa, patak/tikatik ng ulan
  • Teoryang Pooh-Pooh
    • Batay sa paniniwalang ang tao ay hayop din at siya ay nakakalikha ng tunog kapag nabibigla o nakadarama ng matinding bugso ng damdamin
    • Halimbawa: pagdighay/"burp", uha ng sanggol
  • Teoryang Yum-Yum
    Ang tao ay lumilikha ng mga likas na tunog at pakahulugan sa mga ito sapagkat siya ang lumikha ng mga ito
  • Teoryang Ta-Ta
    Mula sa salitang Pranses na "bye-bye", ginagaya ng dila ang kumpas at galaw ng kamay
  • Teoryang Yo-He-Ho
    • Tunog na nalilikha kapag nageekserto ng pwersang pisikal
    • Halimbawa: ha! yea! hu! heeya! (sa taekwondo)
  • Teoryang Ta-ra-ra-Boom-de-ay
    • Nag-ugat sa tunog na likha ng ritwal
    • Ritwal na maaaring: sayaw, sigaw, bulong
  • Teoryang Muestra
    • Pinaniniwalaan sa teoryang ito na nauna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at sentro ng utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay
    • Hawig sa Teoryang Ta-Ta, halimbawa: Filipino Sign Language (FSL)
  • Teoryang Musika
    Kilala sa teoryang ito ang Danish na si Otto Jerperson. Isinasaad dito na ang wika ay may melodiya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakokomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon
  • Teorya ng Pakikisalamuha
    Ayon kay G. Revesz, isang propesong sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika ay likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa
  • Teoryang Hey You!

    Dahil sa kagustuhan ng tao na makipag-ugnayan sa ibang tao o bagay sa paligid niya, gumawa siya ng paraan upang maisakatuparan ito
  • Teoryang Hocus Pocus
    • Nagsasabing ang wika ay nag-umpisa sa mga ritwal na ginagamit noon
    • Mahikal; biglaang dumarating at nawawala
  • Teoryang Sing-Song
    Sinasabing ang mga unang binigkas na salita ay may tono at mahaba bigkasin upang madali itong sabihin
  • Uri ng Komunikasyon
    • Berbal
    • Di-berbal
  • Sangkap ng Komunikasyon
    • Tagahatid/encoder
    • Mensahe
    • Mga tsanel
    • Tagatanggap/decoder
    • Ganting mensahe o feedback
    • Mga hadlang/ barriers
    • Sitwasyon o konteksto
    • Sistema
  • Teorya
    Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos
  • Tore ng Babel
    Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang naang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyanmakapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita
  • Teoryang Bow-Wow
    • Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito
    • Mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, kidlat atbp.
  • Teoryang Ding-Dong
    • Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid
    • Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna'y nagpabagu- bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan
    • Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog
  • Teoryang Yo-He-Yo
    • Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (saBerel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal
    • Hindi nga ba't tayo'y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo'y nag-eeksert ng pwersa
    • Halimbawa: Anong tunog ang nililikha natin kapag tayo'y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo'y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
  • Teoryang Pooh-Pooh
    • Ayon teoryang ito, unang natutong magsalita ang mga tao, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa
    • Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba't siya' y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch!
    • Tanong: Ano'ng naibubulalas natin kung tayo'y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
  • Teoryang Ta-Ta
    • Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita
    • Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta
  • Teoryang Ta-ra-ra-Boom-de-ay
    • Ito ay nagsimula sa ritwal ng sinauanang tao
    • Sila ay sinasabing may ritwal sa lahat ng gawain kagaya ng pangingisda, pag-aani, pagtatanim, pagpapakasal, panggagamot, pagluluto, pakikidigma, pagpaparusa, at maging sa pagliligo
    • Kasama ang ritwal ng pagsasayaw,pagsigaw o bulong
    • Ang wika daw ng tao ay nag-uugat sa tunog na nilikha sa pamamagitan ng ritwal ng sinaunang tao
  • Teoryang Eureka
    Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay
  • Yang
    Ginagawa sa bawat partikular na okasyon