Kuwento ng pag-ibig - Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kaniyang katambal na tauhan
Kuwento ng katutubong kulay - Binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook
Kuwento ng tauhan o pagkatao - inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa
Kuwento ng kababalaghan - pinaguusapang ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala
Kuwento ng katatakutan - nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nililikha ng mga pangyayari sa katha
Kuwento ng katatawanan - binibigyang aliw at pinapasaya naman ang mambabasa
Kuwento ng talino - punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin
Kuwento ng pampagkakataon - kuwentong isinusulat para sa isang tiyak na pangyayari, gaya ng Pasko, Bagong Taon, at iba pa
Kuwento ng kapaligiran - Kuwentong ang paksa ay ang mga pangyayari o bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan
Kuwentong makabanghay - Ang pangyayari sa loob ng kuwento na ang banghay ang siyang nangingibabaw sapagkat dito nasasalig ang maging katayuan o kalagayan ng mga tauhan