KABIHASNAN (EXTRA)

Cards (67)

  • Naniniwala ang mga Tsino na sila lang ang sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinatawag nilang barabaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino
  • Ayon sa tekstong tradisyunal ng China ng Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China
  • Dinastiya Xia/Hsia
    Dakilang Yu - nagtatag ng maalamat na dinastiya Xia. ito ay tumagal ng 4 at kalahating siglo<|>North China Plain ay oatag kaya't madaling bahain<|>Itinatag ni dakilang Yu ang dinastiyang Xia na nagsisikap na malutas ang suliranin ang pag-apaw at pagbaha ng ilog Huang Ho<|>Humalili kay Yu ang kaniyang anak na si Jie<|>Nagsimulang bumagsak ang dinastiya dahil sa pagiging malupit na pinuno<|>Nag-alsa ang kaniyang ga nasasakupan at sa pamumuno ni Tang, tuluyang bumagsak ang dinastiyang Xia
  • Dinastiya Shang
    Haring Tang - tinalo ang DInastiyang Xia sa Battle of Mingtiao<|>Ang mga unang pinuno ng Tsina ay naniniwala na sila at Anak ng Kalangitan at binigyan ng Mandate of Heaven<|>Mandate of Heaven - ito ay basbas ng kalangitan na ang emperador ay namumuno sa kapahintulan ng langit pinili siya dahil puno siya ng kabutihan<|>Ang mga mamamayan ng Shang ay pinaniniwalaang gumamit ng kalendaryo<|>May kaalaman sa astronomiya at matematika, nakagawa ng kauna-unahang lunar calendar<|>Binuo ni Wan - Nien ang 365 araw ng taon mula sa pag-oobserba<|>Naiwang kasulatan ng panahonh iyo ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga Oracle Bones o mga Tortoise shell at cattle bone<|>Oracle Bones - ginagamit ng mga manghuhula (fortune tellers) upang malaman mga mangyayari sa mga susunod na panahon<|>Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namatay na pinuno<|>Madalas angpakikipaglabang ng Shang sa mga kalapit na lugar at isa rito ang Chou mula sa Wei River<|>Sa labanan ng Muye tinalo ni Haring Wu ang huling hari ng Shang<|>Natutong gumamit ng iron na mas matibay<|>Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang Confucianism, Legalism, at Taoism<|>Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng dinastiyang Zhou<|>Nakagawa ng mga canals at Irrigation Systems<|>Natutong gumamit at mag-alaga ng kabayo<|>Nakapagdadala ng mga balita na nakatutulong sa pagtatanggol ng mga nasasakupan
  • Dinastiya Q'in o Ch'in
    Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch'in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at isinailalim ang kaniyang kapangyarihan ang iba't-ibang rehiyon sa China<|>Inihayag niya ang sarili bilang "Unang Emperador" ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 BCE)<|>Ang hinahangaang GReat Wall of China at itinayo upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba na 2400 kilometro o 1500 milya<|>Humina ang dinastiya nang namatay si Shih Huang Ti<|>Napalitan ng Dinastiyang Han ng mag-alsa si Lui Ban/ Liu Bang<|>Ang dinastiyang Ch'in ay matatagpuan sa kasalukuyang Shaanxi Province
  • Dinastiya Han
    Kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism<|>Nagbukas ng Silk Road Trade sa Europe<|>Lumawak ang kaalaman sa Arts<|>Sa panahon ng dinastiyang Han naimbento ang papel<|>Nagkaroon ng labanan sa loob ng Palasyo at pagpasok ng Yellow Turbans ang nagpalala at naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Han
  • Dinastiya Sui
    Pinakamaikling dinastiya<|>Pinag-isa ang watak-watak na teritoryo ng Tsina<|>Isinaayos ang Great Wall of China na napabayaan sa mahabang panahon<|>Ginawa ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze
  • Dinastiya T'ang

    Li Yuan - dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa dinastiya dahil sa pang-aabuso. Itinatag niya ang dinastiyang T'ang<|>Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China<|>Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon<|>Ibinalik ang Civil Service Examination System na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan<|>Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu't saring pag-aalsang naganap sa China
  • Dinastiya Song/Sung
    Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinastiyang ito<|>Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural<|>Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag<|>Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napalitan ang Sung na iwanan ang kabisera nito noong ika-12 siglo<|>Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol<|>Ang mga mongol ay kaiba sa mga Tsino, sa aspektong kultura, tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa CHina na hindi nila pinagkatiwalaan
  • Dinastiya Yuan
    Pagkatapos ng mga laban, dumaan ang mga dinastiya sa tinatawg na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan<|>Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang dinastiyang Ming
  • Dinastiya Ming
    Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng Emperador<|>Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana<|>Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type<|>Bumagsak ang dinastiya nonng 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. KAsama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea
  • Dinastiya Qing o Ch'ing
    Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British<|>Itinatag ito ng mga Manchu mga semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at ititnuturing ng mga Tsino na barbasrong dahuyan<|>Ang pagkatalo ng CHina sa mga Digmaang Opium laban sa England tinutulan ng pamahalaan ang pagbebenta ng Opyo ng Europeo sa CHina, dahil nakakasira ito sa moralidad ng mga tao at kaayusan ng lipunan<|>Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sas China bilang Sphere of Influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa<|>Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang panghihimasok ng mga kanluranin<|>Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na Kanluranin<|>Lalong humina ang Dinastiyang Qin nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885) at Digmaang SIno-Japane
  • Tulad ng Hong Kong sa mga British
  • Manchu
    Semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at ititnuturing ng mga Tsino na barbarong dahuyan
  • Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England tinutulan ng pamahalaan ang pagbebenta ng Opyo ng Europeo sa China, dahil nakakasira ito sa moralidad ng mga tao at kaayusan ng lipunan
  • Sphere of Influence
    Mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa
  • Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang panghihimasok ng mga kanluranin
  • Sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na Kanluranin
  • Lalong humina ang Dinastiyang Qin nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-1895)
  • Lower Egypt
    Nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea
  • Upper Egypt
    Nasa bahaging katimugan mula Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel
  • Ang Nile river ay may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba
  • Ang Egypt noon pa man ay tinatawag nag The Gift of Nile, kung wala ang ilog na ito, ay disyerto ang bahagi na ito ng Africa
  • Tuwing Hulyo pinagmumulan ng pagbaha ang Nile. Nahinto lamang ito noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam na nakapagbigay ng elektrisidad at suplay ng tubig
  • Ang taunang pag-apaw ng ilog Nile ang nagbibigay daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak ilog
  • Mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak Nile
  • Tinatayang mayroon ng paninirahan bago pa sumapit ang 8000 BCE
  • Pharaoh
    Tumatayong pinuno o hari ng sinaunang Egypt, itinuturing ding isang diyos
  • Ang kasaysayan ng Egypt ay nahahati sa panahon batay sa dinastiyang naghaharing pharaoh
  • Maituturing na kontrolado ng Pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian
  • Nangingibabaw ang dinastiya hangga't hindi napapatalsik o walang tagapagmana sa trono
  • Hieroglyphics
    Sistema ng pagsulat ng mga Egyptian
  • Pagsapit ng ika-4 na milenyo BCE, ang ilang pamayanan na naging sentro ng pamumuhay nang lumaon at tinawag na nome o malayang pamayanan na naging batayan ng binuong lalawigan
  • Sa pagbuo ng mga lalawigan ay nakabuo ng panrehiyong pagkakakilanlan
  • Sa paglaki ng populasyon, nakabuo ng 2 kaharian
  • Menes
    Isa sa pinakaunang pharaoh, pinuno ng Upper Egypt na sumakop sa Lower Egypt
  • Nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain ng Upper at Lower Egypt
  • Memphis - kabisera ng panahon ng paghahari ni Menes
  • Pyramid/piramide
    Itinayo sa panahon ng matandang kaharian sa ikatlong Dinastiya, nagsisilbing monument ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw
  • Great Pyramid of Khufu at Cheops sa Giza - ilan sa mga naitayo noong 2000 BCE