KABIHASNANG MESOPOTAMIA AT INDUS

Cards (38)

  • Mesopotamia
    Lupain Sa Pagitan Ng Dalawang Ilog
  • Sumer
    Isang nomadikong pangkat na unang namalagi sa ilog-lambakng Mesopotamia
  • Mahahalagang lungsod ng Sumer
    • Ur
    • Uruk
    • Eridu
    • Lagash
    • Nippur
    • Kish
  • Antas ng lipunan sa Sumer
    • Pari at hari
    • Mayayamang mangangalakal
    • Mga ordinaryong taong nagsasaka
    • Mga alipin
  • Naniniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic (may katangian at pag-uugaling tao)
  • Tinatayang mayroong 3,000 diyos at diyosa ang mga Sumer
  • Ziggurat
    Matatagpuan sa bawat lungsod-estado at nagsisilbing tahanan at templo ng patron o diyos ng isang lungsod
  • Patesi
    Punong Ispiritwal at Politikal na lider, tagapamagitan ng tao sa diyos
  • An
    Kalangitan
  • Enlil
    Hangin
  • Ninhursag
    Lupa
  • Cuneiform
    Sistema ng pagsusulat
  • Epic of Gilgamesh
    Itinuturing na kaunaunahang akdang pampanitikan sa larangang ng literatura sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo BCE na kahalintulad sa kuwentong The Great Flood ng Bibliya
  • Akkad
    Lungsod-estado sa hilagang bahagi ng Mesopotamia
  • Sargon I
    Nagmula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade
  • Naram Sin
    Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia bago ito bumagsak
  • Bumagsak ang Dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorita at Hurrian sa Mesopotamia
  • Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon
  • Babylonia
    Lungsod-estado sa Timog Mesopotamia
  • Shamshi-Adad I
    Nakontrol niya ang Hilagang Mesopotamia
  • Hammurabi
    Nakontrol niya ang Timog Mesopotamia, ika-anim na hari ng Imperyong Babylonian na may-akda ng Code of Hammurabi
  • Code of Hammurabi
    282 na batas na isinulat ni Hammurabi na sinusunod ng mga Babylonian sa pang araw-araw nilang pamumuhay
  • Assyria
    Imperyo na naitatag sa pamumuno ni Tiglath Pileser I na nagmapai sa mga Hittite
  • Noong ika-9 na siglo BCE, nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo
  • Ashurbanipal
    Isa sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon
  • Chaldean (Neo-Babylonia)

    Bagong imperyo ng Babylonia na naitatag sa pamumuno ni Nabopolassar
  • Nebuchadnezzar II
    Anak ni Nabopolassar na nagtayo ng Hanging Garden of Babylon at Etemenanki
  • 539 BCE - bumagsak ang Chaldea sa hukbo ni Cyrus the Great ng Persia
  • Cyrus The Great
    Nagsimulang manakop ang mga Persian, napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor
  • Darius The Great
    Ang pamumuno niya ay umabot hanggang India
  • Kabihasnang Indus
    Sumibol sa pagitan ng mga lambak-ilog ng Mohenjo-Daro at Harappa na matatagpuan sa sinaunang India sa rehiyon ng Timog Asya
  • Mga Dravidian
    • Maiitim na tao na naninirahan sa isang maliit na pamayanan
    • Malinaw ang pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunang Indus
    • Ang mga naghaharing-uri tulad ng mga mangangalakal ay nakatira sa bahagi ng moog
    • May mga bahay na gawa sa tatlong palapag na katibayan sa pagkakahati-hati ng lipunan sa iba't ibang uri ng tao
  • Mga Dravidian
    1. Nakagawa ng mga irigasyon para sa kanilang pagsasaka
    2. Nag-alaga ng mga hayop
    3. Nagtatag ng mga daungan patunay lamang na sila ay naglalakbay at nakikpagkalakalan rin sa mga karatig pook
  • Mga Aryan
    • Matatangkad at mapuputing tao
    • Dumating sa panahong mahina na ang kabihasnang Indus
    • Napapaloob sa kanilang Vedas ang tinipong akda ng mga himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain at mga salaysay
  • Arthasastra
    Kauna-unahang akda o treatise tungkol sa pamahalaan at ekonomiya, isinulat ni Kautilya noong ikatlong siglo B.C.E.
  • Ayurveda
    Binibigyang diin ang mahalagang kaisipang pangmedisina sa India, nagpanatili ng kalusugan at kaligtasan ng mga tao
  • Ramayana
    Epikong pamana sa larangan ng panitikan sa India, umiikot sa buhay pagibig nina Prinsipe Rama at Prinsesa Sita
  • Mahabharata
    Epikong pamana sa larangan ng panitikan sa India, umiikot sa dalawang magkakamag-anak na pamilyang Pandava na kumakatawan sa kasamaan at kaguluhan