FILI 1N

Cards (80)

  • Wika
    Ito ang pinakamahalagang imbensyon ng tao.
  • Dinamiko/ buhay
    Ang wika ay buhay at masigla, patuloy na dumarami, nalilinang at umuunlad.
  • May level o antas
    Ang wika ay may antas o halaga, naaayon kung sino at saan ginagamit ang wika.
  • Ang wika ay komunikasyon
    Araw-araw ang tao ay nagsasalita, nakikipag-ugnayan, bumubuo ng salita at pangungusap.
  • Ang wika ay malikhain at natatangi
    Magkakaiba ang wika, nakakalikha ng iba't-ibang anyo ng komunikasyon pasulat man o pasalita.
  • Ang wika at kultura ay magkakabuhol
    Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura, magkabuhol ang kanilang kaugnayan.
  • Benjamin Lee Whorf
    Ayon sa kaniya, ang wika ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng tao sa kanyang kapaligiran.
  • Noam Chomsky
    Ayon sa kaniya, ang wika ay nakabatay sa kakayahan at kagalingan sa pakikinig.
  • Ronald Wardhaugh at Allan Pace Nielsen
    Ayon sa kanila, ang wika ay nakabatay sa kasarian, konsepto ng Language Sexism.
  • Liam Hudson
    Ayon sa kaniya, ang wika ay nakabatay sa karaniwang karanasan.
  • Basil Bernstein
    Ayon sa kaniya, ang wika ay nakabatay sa gamit ng lipunan.
  • Edward Sapir (1949)

    ayon sa kanya" ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin."
  • Caroll (1954)

    Ayon sa kanya ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
  • Todd (1987)

    Ayon sa kanya ang wika ay set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
  • Buensuceso
    Ayon sa kanya "ang wika ay arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema"
  • Tumangan, Sr. et al. (1997)

    Ayon sa kanya " Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na nagkakaunawaan"
  • Bow-wow
    Pinaninindigan ng teoryang ito ang panggagaya sa mga likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.
  • Po-pooh
    naniniwalang ang wika ay galing sa instinktibong pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa, atbp.
  • Ding - dong
    kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang misteryo ang mga tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.
  • Yum-yum
    nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon.
  • Yo-he-ho
    naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersang pisikal.
  • Tarara-boom-de-ay
    mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan upang magsalita ang tao.
  • Rizal
    Ayon sa kanya "ang wika ay kaisipan ng mamamayan."
  • Prof. Virgilio Almario
    Ayon sa kanya "kung ano ang wika mo, 'yon ang pagkatao mo."
  • G. Bayani Abadilla (2002)

    Ayon sa kanya "malaki ang nagagawa ng wika sa paghuhugis ng kamalayan ng kaisipang Pilipino at ng karunungang Pilipino."
  • Lev Semyonovich Vygotsky (1978)

    Ayon sa kanya "wika ang gamit ng tao sa kanyang pag-iisip, sapagkat ito ang katulong ng utak sa pagpoproseso ng kanyang kaalaman."
  • Henry Gleason
    Ayon sa kanya "Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na gamit ng tao sa isang kultura,"
  • Mario L. Miclat (2001)

    Ayon sa kanya "ang wika ang nagpaging sa tao"
  • Prof. Randy David (1999)

    Ayon sa kanya "walang matayog, mahirap at abstraktong kaisipan na hindi maaaring ihayag sa sariling wika."
  • Benjamin Lee Whorf
    Ayon sa kanya "Ang wika ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng tao sa kanyang kapaligiran."
  • convergent
    ay nagsasabing lahat ng suliranin ay mayroong tama at maling sagot, isang koneksyon sa pagitan ng abstraktong konseptwalisasyon at aktibong eksperimentasyon.
  • divergent
    ay nakapokus sa kreeytiviti ang paglikha ng maraming expiryens/karanasan para sa pagkatuto.
  • elaborated code
    mas maunlad na sistema ng balarila, sintaks (palaugnayan) upang makabuo ng mas mahusay na pangungusap. Ginagamit ito upang ganap na maipaliwanag at makapagbigay ng mga detalye para sa komprehensyon.
  • restricted code
    ginagamit sa sitwasyon kung saan mas maraming "shared" at "taken for granted knowledge" sa grupo ng mga tagapagsalita.
  • Volapuk
    Nabuong wika ito noong 1879-1880 na pinasimulan ni John Martin Schleyer, isang paring Katoliko sa Baden, Germany.
  • Esperanto
    Isang malawak na wikang internasyonal na sinasalita na pinasimulan ni Ludwig Lazar Zamenhoff. Hinango niya sa salitang Doktoro Esperanto mula sa unang publikasyon ng Unua Libro noong 1887.
  • Interlingua
    Isang internasyonal na wika (auxiliary) na pinasimulan noong 1951 ni Giuseppe Peano. Tinawag din itong IALA Interlingua.
  • teoryang "bottom-up"

    Ang teoryang ito ay isang tradisyonal na papanaw sa pagbasa na bunga ng impluwensya ng teoryang behaviorist na higit na binibigyang pokus ang kapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa.
  • teoryang "top-down"

    Ang teoryang ito naman ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo sa teksto (down) o itaas-pababa.
  • Teoryang Interaktib
    - Ang teoryang ito ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan.
    - Dito nagaganap ang interkaksyon ng mambabasa at ng awtor.
    -Ang interaksyong nagaganap ay may dalawang direksyon (bi-directional) gaya ng binanggit sa itaas.