ARALING PANLIPUNAN

Cards (44)

  • Lipunan
    Mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga
  • Ang lipunan ay batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan
  • Mahalaga na maunawaan ang bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura
  • Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley
    • Mga sosyologo na nagpapakahulugan tungkol sa lipunan
  • Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain, kumikilos at nagbabago (Emile Durkheim)
  • Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan (Karl Marx)
  • Mataas ang unemployment rate ng Pilipinas lalo sa NCR, CARAGA at MIMAROPA ayon sa ulat ng National Statistics Board noong 2013
  • Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa unemployment sa Pilipinas
  • Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang Pilipino
  • Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba't ibang institusyong panlipunan
  • Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin
  • Norms
    Batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi
  • Paglabag sa mga patakaran o signboards
    Nakapaloob sa elemento ng kultura na norms
  • Ang isyung panlipunan ay pampublikong bagay na nakakaapekto sa malaking bahagi ng lipunan, samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang
  • Lipunan ayon kay Karl Marx
    Kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan
  • Lipunan ayon kay Emile Durkheim
    Isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin
  • Lipunan ayon kay Charles Cooley
    Binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
  • Mga elemento ng istrukturang panlipunan
    • Institusyon
    • Social groups
    • Social status
    • Gampanin
  • Mga elemento ng kultura
    • Paniniwala
    • Pagpapahalaga
    • Norms
    • Simbolo
  • Ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha: ang istruktura ng lipunan at kultura. Bagama't ang dalawang mukha ay magkaiba at may kani-kaniyang katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan
  • Kultura
    Isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan
  • Dalawang uri ng kultura
    • Materyal
    • Di-Materyal
  • Ang lipunan ay parang isang barya na may dalawang magkaibang mukha pero hindi pwedeng hiwalayin. Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay institusyon, social groups, social status, at gampanin. Ang mga elemento ng kultura ay paniniwala, pagpapahalaga, norms, at simbolo
  • intindihan naging masama ba ang tunggalian nilang dalawa?
  • Magandang araw na naman sa inyo butihin naming mag-aaral.
  • Sociological imagination

    Kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan
  • Ang mga isyung personal ay nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal.
  • Isyung panlipunan
    Isang pampublikong usapin na nakaaapekto hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan
  • Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal
    Kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan
  • Ang kawalan ng trabaho ng isang tao
    Maaring ituring na isyung personal
  • Ang kawalan ng trabaho ng 15 milyon sa 50 milyong tao
    Maaring ituring na isyung panlipunan
  • Ang mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karahasan.
  • Mayroon kang mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinahaharap ng lipunan sa kasalukuyan.
  • Ito ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan
    Pamahalaan
  • Sila ang nagsisilbing tagapamahala kung maayos at maunlad ba ang ekonomiya ng bansa at ungkulin nilang siguruhin na mayroon at wasto ang produksiyon ng mga produkto at serbisyo na kinakailangan ng mga mamamayan
    Pamahalaan
  • Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan
    Norms
  • Dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang
  • Pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
  • Sila ang nagsisilbing tagapamahala sa kaayusan sa mga daan at lahat ng mga pampublikong istruktura at guwagawa ng mga programang pangkalusugan at pangkalinisan
  • Isyung personal
    Mga pangyayaring nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya at ang solusyon nito ay nasa kamay ng indibiduwal