Ang isang akda ay kinapapalooban ng iba't ibang mga ideya kaugnay sa iba't ibang mga paksa. Ang mga ideyang ito kung minsan ay nakaaapekto sa mga mambabasa. Makabubuti sa isang mambabasa na hindi kaagad-agad naniniwala o tumatanggap ng mga ideya na kaniyang nababasa o naririnig. Ang mga ideyang nakapaloob sa alinmang akda ay dapat na sinusuri at binibigyan ng hatol o pagmamatuwid kung ito ba ay nararapat o hindi? Ang mga ideya ba ay makatotohanan o di-makatotohanan?