Pinaghalong Sistemang Pang-ekonomiya
1. Pinahihintulutan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan sa mga usaping may kaugnayan sa katarungang panlipunan, pangagangalaga ng kalikasan at pagmamay-ari ng estado
2. Ang mga tao ay pinahihintulutan sa pribadong pagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon, imprastraktura at mga organisasyon
3. Malaya silang lumahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at makagawa ng pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal
4. Gayunpaman, ang karamihan sa mga desisyon ay ginagabayan parin ng pamahalaan