MODULE 3

Cards (20)

  • Ang modyul na ito ay inihanda at isulat upang makatulong na palawakin at mapalalim ang iyong kaalaman patungkol sa pag-unawa sa kahalagahan ng lipunang politikal at ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa
  • Nilalayon din sa modyul na ito kung paano huhusgahan ng mag-aaral ang pag-iral o paglabag ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa sa loob ng kanilang pamilya, sa paaralan, sa barangay o pamayanan, at sa lipunan o bansa gamit ang case study
  • Prinsipyo ng Subsidiarity
    Paggalang at pangangalaga sa karapatang pantao ng bawat isa na naaayon sa kabutihang panlahat
  • Prinsipyo ng Pagkakaisa
    Pagtataguyod ng kabutihang panlahat kung saan minsan kailangan magsakripisyo ng ilang indibidwal
  • Mahalagang mapanatili ang balanse ng dalawang prinsipyo upang higit na mabigyang pansin na makilala ang dignidad ng tao at makamit ang kabutihang panlahat
  • Lipunang Politikal
    1. Paraan ng pagsasaayos ng lipunan
    2. Pagsiguro na ang bawat mamamayan ay maayos na nakakapamuhay
    3. Nakakamit ang pansariling mithiin na umaayon sa kabutihang panlahat
    4. Nagagawa ng pamahalaan ang kanyang tungkulin na maibigay ang pangangailangan ng bawat mamamayan sa loob ng lipunan
    5. Pamahalaan ang magpapatupad ng mga batas na magtataguyod ng soberanya at magpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa loob at labas ng bansa na kailangan ng isang lipunan sa pagiging produktibo
  • Walang isinilang na perpekto at bawat isa ay may kahinaan o kakulangan at mga pangagailangang na kung saan kakailanganin natin ang tugon o tulong ng ating kapwa
  • Ito ang dahilan kaya napakahalagang magtulungan ng bawat isa upang makamit ang kaganapan natin bilang tao
  • Ito ang pagpapakita ng prinsipyo ng subsidiarity at pagkakaisa
  • Prinsipyo ng Subsidiarity
    Katauhan ng isang indibidwal, kalayaan, karapatan, privacy
  • Prinsipyo ng Pagtutulungan
    Kabutihang panlahat, tungkulin, pagkakapantay-pantay, kooperasyon
  • Mahalagang maunawaan ang kahulugan ng mga salita na iyong inugnay sa lipunang politikal
  • Ang pagiging parte natin sa isang barkada o grupo ng magkakaibigan ay maihahalintulad sa isang lipunan
  • Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang paniniwala, ugali, kakayahan, hilig, at istorya ng ating buhay ganyan din ang bawat mamamayan sa isang lipunan
  • Ang pinagsama-samang kuwento na ito at pinagkasundo-sundong mga indibidwal ay nakabubuo naman ng kultura o nabuong gawi sa loob ng lipunan
  • Ito ay ang mga nakasanayan, mga tradisyon, mga pamamaraan ng paggawa ng pasya, at hangarin na kanilang maibahagi sa susunod na henerasyon ang mga pinaghirapan at mga nagawa para sa lipunan
  • Ang tunay na dahilan ay naipapakita sa mga nangyayari sa lipunan kaya mas kailangan ang pakikipaglipunan
  • Ang aspektong pampolitika ay umiiral sa loob ng lipunan
  • Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan
  • Sa dami ng interes na kailangang pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaiba-ibang pananaw, sa laki ng lugar na nasasakop, mas masalimuot na ang sitwasyon