1. Isagawa ang isa sa sumusunod na mga gawain:
2. GAWAIN A: Gumanap ka bilang isang reporter sa telebisyon at mag-ulat ng tungkol sa mga pangyayari ngayon sa ating lipunan. Ihambing ito sa lipunan ng ibang bansa sa Asya na kakikitaan ng epekto sa kanilang pang-araw-araw na gawain, hanapbuhay, o maging sa ekonomiya ng kanilang bansa.
3. GAWAIN B: Maliban sa pagkakaroon ng pandemya, humanap ng iba pang pangyayaring nagpapakita ng suliranin sa isang telenobela. Ihambing ito sa piling pangyayari sa lipunang Asyano sa kasalukuyan at sa iyong sariling karanasan.
4. GAWAIN C: Kung may masamang naging epekto ang Covid-19 sa lipunang Asyano, mayroon din itong naging magandang epekto sa ating kalikasan. Sa pamamagitan ng pagguhit paghambingin ang maganda at masamang epekto nito sa lipunang Asyano. Lagyan ng maikling paglalarawan ang iyong iginuhit.