Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pahiwatig sa isang akda. Isa itong estilo ng manunulat para sabihin ang kaniyang ninanais sa hindi lantad o hayagang pamamaraan. Layon nito na lagyan ng misteryo ang akda upang makapukaw ng interes ng mga mambabasa at hayaang makabuo ang mga mambabasa ng kanilang interpretasyon o matuklasan ang nakatagong kahulugan gamit ang kani-kanilang imahinasyon.