MODULE 11

Cards (48)

  • City of Good Character
  • DISCIPLINEGOOD TASTEEXCELLENCE
  • Unang Markahan-Modyul 11: Pagsulat ng mga Pangyayaring Nagpapakita ng Tunggaliang Tao vs. Sarili
  • May-akda: Mark Ryan V. Canimo
  • Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
  • Department of Education, National Capital Region, SCHOOLS DIVISION OFFICE, MARIKINA CITY
  • Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
  • Aralin – Pagsulat ng mga Pangyayaring Nagpapakita ng Tunggaliang Tao vs. Sarili
  • Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod: A. napagbabalik-aralan ang tunggaliang tao vs. sarili; at B. naisusulat ang isang pangyayri na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili
  • PANGYAYARI
    • Mahal ni Andrei si Susan ngunit ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Umalis siya sa ospital dahil dumating ang manliligaw ng kaibigang lihim na iniibig.
    • Sagana si Donya Claudia sa salapi at kapangyarihan, nais niya ang kabutihan para sa lahat ngunit iniisip niya ang magiging kapakanan ng kanyang mga anak sakaling isumplong sa mga pulis ang kanyang asawang nagnakaw sa kaban ng bayan.
    • Humarap si Rica sa salamin, sinabi niya sa sariling hindi na siya muling lalabas ng bahay dahil sa kanyang pisikal ng anyo. Hinding hindi sa siya makikisalamuha sa mga taga-labas.
  • URI NG TUNGGALIAN
    • Tao vs. Sarili
    • Tao vs. Sarili
    • Tao vs. Sarili
  • SULIRANIN
    • Ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan
    • Iniisip niya ang magiging kapakanan ng kanyang mga anak
    • Hindi na siya muling lalabas ng bahay dahil sa kanyang pisikal na anyo
  • Simulan natin ang atin ang aralin sa pamamagitan ng pag-aaral sa larawan at pagsagot sa mga gabay na tanong sa ibaba
  • Gabay na Tanong: 1. Ano sa palagay mo ang ipinapakita ng larawan? 2. Minsan mo na rin bang naranasan ang katulad ng nasa larawan? 3. May mga kuwento ka bang nabasa na kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili?
  • "Ang Misteryo ng Larawan" ni Mark Ryan V. Canimo
  • Dinig na dinig ang bawat galaw ng kamay ng orasan sa kwadradong silid ni Misis Santos habang tahimik na nakatuon sa kanilang pagsusulit ang mga mag-aaral. Kitang kita ang pagkunot ng noo kasabay ng pagpatak ng butil ng pawis ng karamihan dahil maalisangang hapon na iyon habang binabasa ang tangan nilang papel maliban kay Daphne na nakaupo malapit sa bintana ng silid.
  • Kapansin-pansin ang silid-aralan na iyon. Buwan-buwan nakatatanggap ng parangal ang mga mag-aaral ni Misis Santos dahil sa kalinisan at kaayusan nito. Makikita ang iba't ibang poster na may kinalaman sa mga asignaturang pinag-aaralan ng mga mag-aaral. Sa gitna ng itaas ng pisara ay may nakadikit na "Honesty is the Best Policy." Hindi rin mawawaglit sa paningin ng mga nakapapasok sa silid-aralan ang lumang larawan ng isang babae na nakasabit sa bandang kanan ng silid na katapat ng kinauupuan ni Daphne.
  • Alas-tres nang hapon, nagulantang ang lahat ng tao sa silid-aralan nang biglang sumigaw si Daphne. "Ma'am! Ma'am! Tingnan ninyo po!" habang itinuturo ng dalaga ang larawan ng babae. "Gumagalaw ang babae sa larawan!" dagdag na sigaw nito.
  • Nagkagulo ang mga kaklase ni Daphne, hindi malaman ang nararamdaman kung matatakot o maniniwala sa sinabi ng kanilang kamag-aral. Kilala nilang tahimik ang kanilang kaklase kaya naging palaisipan sa mga sandaling iyon ang nangyayari sa silid hanggang sa mawalan ng malay si Daphne pagkatapos nitong paulit-ulit nitong pagsigaw.
  • Ipinatawag ng guro ang mga magulang ng dalaga na parehas na nasa trabaho kaya tanging ang Lola Ason na lamang niya ang nakarating. Nagpasya na rin ang punong-guro na isuspende na ang klase sa araw na iyon dahil sa gulong naidulot ng insidente sa buong paaralan.
  • Sa kanilang tahanan, tahimik pa rin si Daphne na nakatingin sa kawalan. Malalim ang kanyang iniisip pagkatapos ay bumuntong -hininga. "Anong ginawa ko?" tanong nito sa kaniyang sarili. "Paano ko sasabihin sa kanila? Bakit ako nahantong dito?" tuloy-tuloy na tanong niya sa kaniyang sarili.
  • Kinabukasan, nagising si Daphne dahil sa ingay na naririnig niya sa kanilang sala. Napilitan siyang bumangon upang silipin ang pinanggagalingan ng ingay na iyon. Mula sa maliit na pagkakabukas ng pinto, nakita niya ang ilang kapitbahay at kumare ng kaniyang nanay. Himala para sa kaniya ang makita ang kaniyang ina nang ganoong kaaga dahil tuwing gabi na lang sila nagkikita dahil sa trabaho.
  • Napansin niyang may mga dala ang mga itong pagkain na wari niya'y para sa kaniya. Dinig na dinig niya si Aling Tessie, "Kumusta ang anak mo mareng Rosa? Totoo ba ang nangyari? Ano bang kababalaghan ang nakita niya?"
  • Bumalik siya sa kaniyang higaan, binuksan ang kaniyang cellphone. Nagulat siya sa dami ng mensahe mula sa kaniyang mga kaklase. Ngayon lamang nakatanggap ng ganitong atensyon si Daphne mula sa ibang tao maging sa kaniyang mga magulang. Ang lahat ng tao ay nag-aalala sa kaniya, may nagpapadala ng regalo at pagkain.
  • Dahil sa atensyong nakukuha sa kanilang lugar at sa paaralan, nawala sa isipan niya ang tunay na dahilan ng mga ito. Naging tikom ang bibig niya sa katotohanan. Upang hindi makapagsalita ay sinasagot niya lamang ang mga tao ng katahimikan, paghikbi at pagpatak ng luha ngunit sa kanyang kalooban ay naglalaban ang sarili, sasabihin na ba niya ang totoo o ipagpapatuloy ang kasinungalingang nilikha niya.
  • Hanggang sa isang araw, bumungad sa kaniyang paggising ang kaniyang Lola Ason. Pinaupo siya nito sa kalapit niya. "Kumusta ka na apo? Alam kong mabigat ang iyong pinagdadaanan ngayon," panimula ng matanda. "Maaari mong sabihin sa akin ang iyong nararamdaman at iniisip kung pagkakatiwalaan mo ako ngunit hindi kita pinipilit na magsalita ngayon," pagpapatuloy niya.
  • Mabilis na kumalat ang nangyari dahil sa social media kaya napansin na rin ito ng mga istasyon ng telebisyon at radyo. Dumarami na ang taong naging interesado sa kaniya. Hanggang sa makita na lamang niya ang sariling nakaupo katabi ang kaniyang ina sa harapan ng kamera at mainit na ilaw. "Ito na ang pagkakataon ko," bulong niya sa kaniyang sarili.
  • 1. Bakit nagkagulo ang mga mag-aaral sa silid-aralan?
  • 2. Aling bahagi o pangyayari sa binasang akda ang nagpapakita ng tunggalian?
  • 3. Sino o ano ang kalaban ng pangunahing tauhan sa akda?
  • iisip kung pagkakatiwalaan mo ako ngunit hindi kita pinipilit na magsalita ngayon
  • Nanatiling walang salitang lumabas sa bibig ni Daphne
  • Tahimik lang siyang nakikinig sa kaniyang lola na bakas ang pag-aalala habang nakatungo upang itago ang nangingilid na niyang mga luha
  • Lola Ason: 'Daphne, apo tandaan mong naririto lang kaming handang makinig sa iyo nang walang panghuhusga. Nais ka naming tulungan upang gumaan ang iyong pakiramdam'
  • Mabilis na kumalat ang nangyari dahil sa social media kaya napansin na rin ito ng mga istasyon ng telebisyon at radyo
  • Dumarami na ang taong naging interesado sa kaniya
  • Hanggang sa makita na lamang niya ang sariling nakaupo katabi ang kaniyang ina sa harapan ng kamera at mainit na ilaw
  • Ito na ang pagkakataon ko
  • Ang tunggaliang Tao laban sa Sarili ay isang uri ng tunggalian sa akdang pampanitikan na nagpapakita ng pakikipagsapalaran o pakikipaglaban ng pangunahing tauhan sa kanyang sariling damdamin, iniisip, paniniwala at moralidad
  • Dapat maging malinaw ang layon ng pangunahing tauhan