MODULE 12

Cards (20)

  • Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
  • Aralin – Wastong Paggamit ng mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon
  • Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang

    • Nakikilala ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon (sa tingin, akala, pahayag ko at iba pa)
    • Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon (sa tingin, akala, pahayag ko at iba pa)
  • Malaking hamon para sa lahat ang pagpapanatili sa ating malusog na pangangatawan at isipan kaya sumasang-ayon ako sa pamahalaan na dagdagan ng buwis ang sigarilyo at mga inuming nakalalasing
  • Naniniwala ako na may magandang maidudulot sa atin ang wastong pag-eehersisyo upang makaiwas sa sakit
  • Sa aking palagay, hindi dapat maging hadlang ang kahirapan upang makamit ang edukasyon
  • Iginagalang ko ang iyong paniniwala, ngunit sa tingin ko ay mas mainam pa ring manatili sa loob ng bahay kung wala namang mahalagang gagawin sa labas
  • Kung ako ang tatanungin, nararapat mo nang ipagtapat ang iyong damdamin sa kaniya
  • Ano-ano ang iba't ibang uri ng tunggalian?
  • Ilista ang mga dapat tandaan upang epektibong makapagsulat ng mga pangyayaring nagtataglay ng tunggaliang tao laban sa sarili?
  • Col Tamad na tamad si Mel kaya pinagpaliban niya ang paggawa ng takdang aralin pero panay ang kaniyang paglalaro ng mobile phone
  • Noong taong 2019, lumabas ang resulta ng isinagawang pagsusulit ng Programme for International Student Assessment (PISA) sa reading comprehension ng 600,000 na mag-aaral mula sa 79 na bansa
  • Kabilang sa sumailalim sa pagsusulit na ito ay mga Filipinong mag-aaral na may edad 15
  • Nakalulungkot sabihin na ang Pilipinas ang nakakuha ng pinakamababang marka sa pagsusulit batay sa resulta ng PISA 2018
  • Ayon din sa resulta, isa sa apat na mag-aaral ay nahihirapan sa mga aspekto ng pagbabasa at isa sa sampung mag-aaral naman ang may kakayahang malaman kung alin ang opinyon at katotohanan
  • Ang pagkawili sa pagbabasa ay pagkamit ng kaalaman at leksyon sa buhay
  • Marami mang balakid, hindi ito dapat maging dahilan upang tumigil sa pagkatuto dahil ito ang magdadala sa iyo sa tagumpay na nais ninyong makamit
  • Kalbo na ang mga kabundukan
  • Panalo na naman si Manny Pacquaio sa nakaraang niyang boxing match
  • Nakakatuwa naman, ang daming mag-aaral na nakakuha ng medalyang ginto