Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa
Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama'y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherlands), "opisyal" na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan
Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan namin at pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon
Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan
Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kaniyang pamilya
At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga'y para sa kaniya lang?