Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa debate. Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.
Uri ng pagpapahayag ng sanaysay na ang layunin ay magpatunay ng katotohanan o magpatibay ng opinyon o ideya. Binubuo ng dalawang panig, ang panig ng sumasang-ayon at di-sumasang-ayon.
Ang mga paraan ng pagpapahayag ng ideya at opinyon sa isang debate ay isang bagay na dapat masuri ng mga tagapakinig. Ang bawat panig ay may kani-kaniyang paraan ng pagpapoahayag upang makahikayat ng mga tagapakinig.