Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod: A. napagbabalik-aralan ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw; at B. nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw
Bago magsimula sa bagong aralin, magkakaroon muna tayo ng gawain na susubok sa iyong kaalaman. Isulat sa patlang ang pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap
Alam kong para sa aking sarili'y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito. May mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin
Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kung ang iba nama'y pilit at bahagya lamang. Bumukas pa rin at pinapasok ang mga di inanyayahang panauhin
Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho't nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe. Pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan
Mula sa mga balitang mababasa sa diyaryo, mapapanood sa telebisyon, o mababasa sa social media humanap ng mga pangungusap na may iba-ibang uri ng pang-ugnay