MODULE 20

Cards (67)

  • City of Good Character
  • DISCIPLINEGOOD TASTEEXCELLENCE
  • Unang Markahan-Modyul 20: Pagbuo ng Paghuhusga sa Karakterisasyon ng mga Tauhan sa Akda
  • May-akda: Ma. Idalyn L. Pagunsan
  • Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
  • Department of Education, National Capital Region, SCHOOLS DIVISION OFFICE, MARIKINA CITY
  • Modyul
    Binubuo lamang ng isang aralin
  • Aralin
    Pagbuo ng Paghuhusga sa Karakterisasyon ng mga Tauhan sa Akda
  • Inaasahang maisasagawa mo: A. nakikilala ang karakterisasyon ng mga tauhan; at B. nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda
  • Subukin
    1. Kilalanin ang iyong tiyo o amain o sinoman sa iyong mga kapamilya
    2. Kilalanin ang mga katangiang ipinakikita
    3. Lagyan ng tsek (/) kung kaniya itong ipinamamalas o hindi
  • Ang masasabi ko sa aking amain ay
  • Balikan: Magbalik-tanaw tayo sa nakaraan. Magsalaysay ng mga pangyayari sa inyong buhay na hindi ninyo malilimutan kasama ang inyong amain. Itala rin kung bakit ito ang inyong napili at paano nito naapektuhan ang inyong relasyon sa kasalukuyan.
  • Pansinin ang salita at pangungusap sa ibaba. Suriin ang maaaring simbolismo o nais ipabatid ng mga ito.
  • Ano sa palagay mo ang simbolismo ng mga salita/pangungusap sa panimula?
  • Kung ikaw ang tatanungin, ano ang ugnayan ng mga salita/pangungusap sa isa't isa? Ipaliwanag.
  • Sa iyong pananaw, paano mo maiuugnay sa iyong sariling karanasan ang salitang nabuo sa itaas? Mayroon ba itong epekto sa iyong buhay? Patunayan.
  • Mahalaga ba ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos? Bakit?
  • Simulan na natin ang pagtalakay sa paksang aralin sa pamamagitan ng pagbasa ng dulang pinamagatang "Tiyo Simon" ni N.P.S. Toribio, pagkatapos ay sagutin nang pasalita ang mga tanong.
  • Mga Tauhan: Tiyo Simon, Ina, Boy
  • Oras: umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw
  • Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy
  • Nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak ng isang punyal
  • Ang silid ay larawan ng kariwasaan
  • Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
  • Boy: (Dabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
  • Ina: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e! At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na pangiling-araw?
  • Boy: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon…
  • Ina: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos.
  • Boy: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon…
  • Ina: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?
  • Boy: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin…
  • Ina: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban.
  • Boy: Pero…
  • Ina: Husto na sabi , e!
  • Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong...
  • Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama.
  • Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan…
  • Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo...kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako'y magbibihis...magsisimba tayo.
  • Ina: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin?
  • Boy: Kung sasama po si Tiyo Simon , sasama rin ako...