Unang Markahan-Modyul 21: Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng mga Salita Habang Nagbabago ang Estruktura ng Nito
May-akda: Ma. Idalyn L. Pagunsan
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
Department of Education National Capital Region SCHOOLS DIVISION OFFICE MARIKINA CITY
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
Aralin – Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng mga Salita Habang Nagbabago ang Estruktura Nito
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod: A. nakikilala ang estruktura ng mga salita; at B. naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago ang estruktura nito
Subukin
Sa kabuoan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.
Ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos.
Anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?
Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy...
Boy, isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapaliwanag sa kahulugan ng mga salita habang nagbabago ang estruktura ng nito (salita). Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.
Mula sa akdang binasa na "Tiyo Simon" ni N.P.S. Toribio, bigyang-kahulugan ang mga pahayag sa ibaba gamit ang pagsasaayos ng nakagulo-gulong titik.
Balikan
Papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata.
Tiyo Simon, hindi raw kayo nangingilin kung araw ng pangilin.
Sana'y muli siyang magbalik-loob sa Diyos.
Ang kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na.
Muling maririnig ang batingaw sa malayo.
Salita
Ang wika ay isang sistema ng mga simbolo na ginagamit upang makipag-ugnayan at makipag-usap sa iba
Taon-taon tuwing sasapit ang buwan ng Agosto ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Buwan ng Wika.
Sa panahong ito ipinamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay at galing sa iba't ibang larang.
Araw-araw, iba-iba ang pakulo sa paaralan.
Makikita ang pagkakaisa ng mga mag-aaral at guro sa mga gawain.
Higit sa lahat sa panahong ito madarama ang higit na pagpapahalaga ng mga mag-aaral kaisa ng mga guro sa wikang pambansa - ang wikang Filipino.
Mga salita
Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Payak
Salitang may isang salitang-ugat
Maylapi
Salitang may panlapi
Inuulit
Salitang may paulit-ulit na bahagi
Tambalan
Salitang binubuo ng dalawang salita
Ano ang paksa ng binasang talata sa itaas?
Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?
Ano ang mapapansin sa mga salitang nakasulat nang mariin? Ito ba ay nagtataglay ng kahulugan sa akda?
Batay sa paghahanay mo ng mga salita sa talahanayan, ano ang mahihinuha mo kaugnay sa gamit ng salita? Ipaliwanag ang sagot.
Mula sa paghahanay ng mga salita, bigyan ng pagkakaiba ang kayarian ng mga salita.
Sa iyong palagay nakaaapekto ba sa kahulugan ng salita ang pagbabago ng kaniyang kayarian o estruktura? Ipaliwanag.
Mahalaga bang pag-aralan ang estruktura o kayarian ng salita? Pangatuwiranan.
Tukuyin ang kayarian ng salitang ginamit sa pahayag na nakasulat nang mariin.
Ang silid ay larawan ng kariwasaan.
2-3. Muling maririnig ang tunog ng lumang batingaw.
Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.
Malakas na ingay ang sumalubong sa kaniyang pagdating.
Tukuyin at ihanay ang mga salita susunod na pahina batay sa kayarian nito.
Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga larawan sa ibaba. Salungguhitan ang salitang ginamit batay sa kayarian nito.