Wikang Filipino

Cards (23)

  • Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) - “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika…”
  • Batas Komonwelt bilang 184 (1936) Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa
  • Kautusang Tagapagpalaganap blg. 134 (1937) - Ipinahayag na ang tagalog ang siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas
  • Kautusang Tagapagpalaganap blg, 263 (1940) - Nagbibigay pahintulot sa paglilimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan , pambayan man o pribado
  • Batas Komonwelt blg. 570 (1946) - Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas
  • Proklama blg. 12 (1954) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa
  • Kautusang Pangkagawaran blg. 7, s.1959 Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwelt Blg. 57
  • Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (Nob. 14, 1962) Nilagdaan ni kalihim Alejandro roces at nag-uutos na simulan sa taong-aralan 2963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino
  • Kautusang Tagapagpaganap blg. 60, s. 1963 Nagpapaayag na ang pambansang awit ng Pilipinas ay dapat awitin lamang a titik nitong Pilipino.
  • Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Okt. 24, 1967) Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos
  • Memorandum Sikular blg. 172 (1968) Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag-uutos na ang mga “letterheads” ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa ingles. Ipinag-uutosdin na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino gagawin.
  • Memorandum Sikular blg. 199 (1968) Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok lingwistika ng kapuluan.
  • Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 (1969) nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon
  • Memorandum Sirkular blg. 384 (1969) Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan na mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan kabilang angmga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan
  • Kautusan ng Tagapagpaganap blg. 304 (1971) Nilagdaan ng Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ngwikang pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito
  • Atas ng Pangulo blg. 73. (1972) Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng maylimapung libong (50,000) mamamayan alinsunod sa probidyon ng Saligang Batas Artikulo XV Pangkat 3.
  • Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong baylingwal.
  • Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976) Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin sa ortogapiyang Pilipino
  • Memorandum ng MECS blg. 203 (1978) Accelerating the Attainment of the Goals of Bilinggual Education.
  • Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978) Paggamit ng katagang "Filipino" sa pagtukoy sa wikang Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisuimbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
  • Kautusang blg. 52 (1987) Ang Patakarang Edukasyong Billingwal ng 1987
  • Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987) - Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong Billingwal ng 1987
  • Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987) Ang Alpabeto at patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino