Lagyan ng tsek ang patlang na katabi ng bawat bilang kung ito ay sumasagot sa tanong na: Taglay ba ng mga pahayag o pangungusap ang katangian ng isang mahusay na talumpati o argumento sa pagsulat ng isang napapanahong isyu?
Bukod sa vital signs at vital statistics ng ating katawan na palatandaan ng buhay at maayos na kalusugan, ano-ano nga ba ang estadistikang pinahahalagahan o mahalaga sa bawat Pilipino?
72% sa mga Pilipino ang naniniwala na magbibigay ito ng supisyenteng kaalaman, preparasyon sa pagtatrabaho at kahandaan sa kolehiyo kumpara sa kasalukuyang kumukuha ng 10 taon na Basic Education
68% sa mga Pilipino ang naniniwala na mas maraming mag-aaral ang makapagtatapos ng Senior High School sa kabila ng dagdag na gastusin at haba ng taon sa pag-aaral
May apat na pangunahing panganib sa Pilipinas tulad ng bagyo, lindol, pagsabog ng mga bulkan, at mga pagbaha na bumawi ng 47,260 buhay at sumira ng 6,829 milyong dolyar na ari-arian
Ang tatlong pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa mula 2004-2009 ay ang malignant neoplasms, diseases of the vascular system at ang numero unong traydor, na sakit sa puso
Ang pagbibigay ng wastong estadistika ay isang paraan upang mapanatag sila o kung hindi man, ay upang maalarma sila, nang sa gayun ay sila na mismo ang kusang tumulong
Dapat ding pag-ukulan ng pansin ang vital signs sa usaping pangkalusugan, pangkabuhayan at pangkaunlaran, vital figures at statistics sa pagbubuwis, at paggasta mula sa kaban ng bayan, edukasyon at kahandaan ng pamahalaan tungo sa pagbangon ng ating mahal na bayan
Inilalahad sa talumpati ang mga argumento sa pamamgitan ng paglalahad ng mga patunay na makakapanghikayat sa manonood o tagapakinig upang sang-ayunan ang kaniyang panig