MODULE 5

Cards (203)

  • City of Good Character
  • DISCIPLINE • GOOD TASTEEXCELLENCE
  • Ikalawang Markahan-Modyul 5: Pagsulat ng Paglalarawan sa Sariling Kultura
  • May-akda: Maria Idalyn L. Pagunsan
  • Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
  • Department of Education, National Capital Region, SCHOOLS DIVISION OFFICE, MARIKINA CITY
  • Alamin
    Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
  • Aralin
    Pagsulat ng Paglalarawan sa Sariling Kultura
  • Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang
    • naiisa-isa ang mga kulturang nakapaloob sa binasang kuwento
    • naisasalaysay ang sariling karanasan kaugnay sa kulturang nakapaloob sa binasang kuwento
    • napagbabalik-aralan ang paglalarawan
    • nakasusulat ng isang paglalarawan sa sariling kultura
    • nagagamit sa pagsasalaysay ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento
  • Subukin
    Bago natin simulan ang aralin, subukin muna natin ang iyong kaalaman kaugnay ng kulturang iyong kinabibilangan
  • Panuto
    1. Magtala ng kultura, kaugalian o tradisyong Pilipino na isinasabuhay o ipinakilala sa iyo ng iyong mga magulang o nakatatanda
    2. Pumili lamang ng tatlo na bibigyan ng paglalarawan batay sa kahalagahan nito sa ating buhay
    3. Gamitin ang pormat na nasa ibaba bilang pardon
  • Sa araling ito inaasahan kong malinang sa iyo ang kahusayan sa pagsulat ng isang paglalarawan ng sariling kultura gamit ang pagpapahayag ng sariling karanasan
  • Naniniwala akong malilinang ito kung maisasagawa mo nang matapat ang lahat ng gawain
  • Panuto
    1. Tukuyin at isa-isahin ang kultura, tradisyon o kaugaliang mula sa Silangang Asya na makikita mula sa larawan
    2. Talakayin sa pamamagitan ng paglalarawan ang epekto nito sa kulturang Pilipino
  • Kultura
    Pagpapakahulugan ng salitang KULTURA
  • Ngayon, tuklasin natin kung paano ito maipakikita sa babasahing maikling kuwento mula sa isa sa mga bansa sa Silangang Asya
  • Alam mo ba na ang lugar na magsisilbing tagpuan sa babasahing akda ay hindi na bago sa iyo
  • Malaki ang naging impluwensiya ng bansang ito sa pamumuhay ng mga Pilipino
  • Marami rin sa mga paboritong pagkain ng Pinoy ay mula sa kanila tulad ng siopao, siomai, mami, pancit, lumpia at iba pa
  • Maging sa ating paniniwala, kagamitan at kasuotan ay hindi maikakailang naging malaking bahagi sila
  • Sila ang mga Tsino
  • Sila ay mayroong kulturang hindi nalalayo sa ating mga Pilipino tulad ng pagpapahalaga sa pamilya
  • Niyebeng-itim ni Liu Heng, Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
  • Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon
  • Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera
  • Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima
  • Nagulat ang klerk
  • May pagkainis na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na suntukin ang pangang iyon
  • Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium
  • Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila
  • Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota
  • Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos
  • Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo
  • Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong blackmarket para talaga mapatakbo ito
  • Nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li
  • Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li
  • Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo
  • Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na
  • Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas
  • Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin kay Huiquan