MODULE 6

Cards (50)

  • City of Good Character
  • DISCIPLINEGOOD TASTEEXCELLENCE
  • Ikalawang Markahan-Modyul 6: Paghahambing ng Kultura (Iba't Ibang Bansa sa Silangang Asya)
  • May-akda: Mark Ryan V. Canimo
  • Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
  • Department of Education, National Capital Region, SCHOOLS DIVISION OFFICE, MARIKINA CITY
  • Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
  • Aralin – Paghahambing ng Kultura (Iba't Ibang Bansa sa Silangang Asya)
  • Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod: A. nakikilala ang kultura at mga katangian nito; B. naiisa-isa ang mga kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa pinanood na bahagi ng teleserye o pelikula; at C. napaghahambing ang mga kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa pinanood na bahagi ng teleserye o pelikula
  • Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukan mo munang sagutin ang gawain sa ibaba
  • TAMA O MALI: Isulat ang T kung Tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at M kung Mali ang pahayag
  • Ang China, Japan at South Korea ay matatagpuan sa Silangang Asya
  • Walang kinalaman ang kultura at tradisyon sa pagbuo ng isang akdang pampanitikan o paggawa ng mga palabas sa telebisyon
  • Marapat na pairalin ang paggalang sa bawat kultura ng iba't ibang bansa
  • Ang pagtangkilik sa mga pelikula o teleseryeng mula sa ibang bansa sa Asya ay makatutulong upang makilala ang kultura ng bansang pinagmulan nito
  • Panatilihin pa rin ang paggalang at matalinong pagpapasya sa tuwing maghahambing ng mga pelikula o teleserye
  • Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paghahambing ng kultura ng iba't ibang mga bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na pelikula o teleserye
  • Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain
  • Balik-aralan mo ang mga natutuhan sa pagbibigay-kahulugan sa mga imahe at simbolo sa binasa
  • Ibigay ang karaniwang isinisimbolo ng sumusunod:
    • puso
    • kalapati
    • araw
    • ilaw
    • unos
  • Sa anong bansa sa Silangang Asya mo maiuugnay ang nasa larawan?
  • Sa iyong palagay, may kaugnayan ba ang kasuotan sa tradisyon at kultura ng isang bansa?
  • May nakikita ka bang katulad o kahawig ng ganitong kasuotan sa ibang bansa sa Asya? Ano?
  • Ano ang paksa ng bidyo ng teleserye na iyong pinanood?
  • Anong naramdaman mo matapos mapanood ang mga palabas?
  • Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa pinanood? Bakit?
  • Ano-anong pangyayari sa pinanood ang nagpapakita ng kultura ng bansang pinagmulan ng teleserye?
  • Isa-isahin ang kultura ng bansang pinagmulan ng bansang pinagmulan ng teleseryeng pinanood
  • Paano ipinakita ang kultura ng bansang pinagmulan ng teleseryeng pinanood?
  • May pagkakaiba o pagkakatulad ba ng kultura ng bansang pinagmulan ng teleserye sa ibang bansa sa Asya batay sa iyong pinanood? Patunayan
  • Sa iyong palagay, may mga kultura ba ang mga bansang pinamulan ng mga teleseryeng pinanood na may pagkakatulad sa ating bansa?
  • Kinahihiligan ngayon ng mga Pilipino ang mga palabas, pelikula man o teleserye (drama) na nagmula sa mga bansa sa Silangang Asya
  • Gaya ng ibang akdang pampanitikan ang mga palabas na ito ay nagtatanghal din ng kultura ng bansang pinagmulan nito
  • Sa pamamagitan nito, natutuklasan ng mga manonood ang kultura ng bansa at nakagagawa ng matalinong pagpapasya at paghahambing sa kultura ng mga bansa sa Asya o hindi kaya ay sa iba pang panig ng mundo
  • Sa pagkakataong ito, mas napagbubuti ang pagkaunawa at paggalang sa kultura, paniniwala at gawi ng mga bansa sa Asya
  • Palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa paghahambing ng kultura ng iba't ibang mga bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na pelikula o teleserye
  • Manood ng isang pelikula o teleserye mula sa bansang South Korea o iba pang bansa sa Silangang Asya
  • Suriing mabuti ang teleserye at ihambing ito sa pinanood na bahagi ng teleserye o pelikula sa pamamagitan ng graphic organizer
  • Mahusay na naihahambing ang kultura ng mga bansa sa Asya
  • Mahusay na nakikilala ang kultura ng bansa sa Asya sa pinanood na teleserye o pelikula