MODULE 4

Cards (64)

  • Ang modyul na ito ay binubuo ng tatlong aralin
  • Mga aralin
    • Aralin 1- Pagsusuri sa mga Tunggalian sa Akda
    • Aralin 2-Pagpapatunay ng mga Pangyayari
    • Aralin 3-Pag-uugnay ng mga Tunggalian sa Kasalukuyang Pangyayari
  • Inaasahang maisasagawa mo
    • Nakikilala ang tunggalian sa kuwento (tao laban sa tao at tao laban sa sarili)
    • Nasusuri ang tunggaliang tao laban sa tao batay sa usapan ng mga tauhan sa pinakinggang kuwento
    • Nasusuri ang tunggaliang tao laban sa sarili batay sa usapan ng mga tauhan sa pinakinggang kuwento
  • Mga tunggalian
    • Tao laban sa tao
    • Tao laban sa sarili
  • Dalawang magkaibigang nagpapataasan ng nakuhang iskor/marka sa pagsusulit sa Matematika
  • Si Juan na ayaw kumain ng gulay
  • Labanan ng opinyon sa pagitan nina Kara at Lara sa usaping pampulitika
  • Salat man sa pera, mahilig pa ring uminom ng Milktea si Ronald
  • Hindi maiwasan ni Lerma ang paninigarilyo kahit na alam niyang masama ito sa kalusugan
  • Bago tumungo sa bagong aralin, iguhit sa loob ng nakalaang kahon ang sampung (10) pangunahing pangangailangang ng isang pamilya at bumuo ng isang maikling salaysay ukol sa iyong mga naisulat
  • Batid mo kaya ang magiging resulta kung ang isa sa iyong mga naiguhit ay kulang o wala sa isang pamilya?
  • Ang 10 pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya ay ______________________________________________________________________________
  • dahil kung wala ang mga ito ______________________________________________________________________________
  • Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa iba't ibang bahagi
  • Sa tabi ng pugon ay may maliit na lalagyan ng panggatong
  • Tinanglawan ng liwanag na nagmumula sa apoy ang mga guhit ng pagod at puyat sa kaniyang mukha
  • Mula ala-sais ng umaga, nang bumangon siya para maghanda ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawa hanggang ngayon, maliban sa sandaling pahinga noong tanghalian
  • Kung hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kaniya?
  • Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin iyon
  • Di kaginsa-ginsa'y isang tinig na tila tunog ng basag na kampana nagbuhat sa labas ng pinto
  • "Lintik! Gabi na'y hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?"
  • ga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin iyon
  • "Sssst . . ." Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng bango ng nilulutong gulay
  • Nakaupo si Siao-lan sa loob ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitingnan ang nakatatandang kapatid na nakatayo pa rin sa kuwadradong bangko sa labas
  • "Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaakyat mo, ha? Gusto mo na bang dalawin ang hari ng kadiliman?"
  • "Itay . . . nagsasampay lang ako. . ."
  • "Sandali na lang . . . maluluto na . . . Ipiprito ko na lang ang inasnang isda. Pagkatapos . . . pagkatapos ay puwede na tayong . . . maghapunan."
  • Walang lakas ng loob si Lian-chiao na tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang palto ang pinipritong talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang patak na langis sa kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinuhugasan ang inasnang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyang asawa
  • Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihithit ng opyo: payat at matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga mata
  • Matapos nakapamaywang na sigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, at marahas na nagtanong, "Handa na ba ang tubig na pampaligo?"
  • "Masusunog na ang inasnang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala kang alam kundi kumain!" Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babae'y papunta sa banyo
  • Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila nagkalakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sa sugal si Li Hua
  • Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang nagmamantikang nguso, kinuha ni Li Hua ang lalagyan ng tsaa. Humigop siya ng kaunting tsaa at pagkatapos ay, "pwe!" lumura sa lupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig
  • "Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap na pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad?"
  • Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan ang nguso. Humakbang ang mahahaba niyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan. Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig, natitigilan at hindi makakilos
  • Mahangin at maginaw ng gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pagod na pagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang kanyang isip
  • Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa luhang napigil ang pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyang asawa, ang walang silbi at tila kawayang si Li Hua
  • Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan-dahan siyang bumaling. Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot, Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila
  • Unti-unti, nagdilim ang paningin ni Lian-chiao. Inaantok na siya. Pero biglang naging kakaiba ang pakiramdam niya sa kanyang tiyan. Sumasakit na iyon
  • Natanto niyang lalabas na ang bata. Pero gabing-gabi na, at wala pa sa bahay ang asawa niya! Ano ang gagawin niya ngayon?