Ang kakayahang magpahalaga sa nakikita niyang kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika at awitin, magpahalaga sa pagkaing kanyang naiibigan, makapag-uri ng iba't ibang halimuyak at sa kagandahan ng sining ayon sa kanyang pamantayan
Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala, sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan ay nadadala ng isang tao sa kanyang libingan
Ang hindi alam ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin nila ay ni wala sa isang milyong bahagi sa paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth na hindi nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa kasakiman
Sinasabi rin na ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng sobrang kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan
Ngunit nang makilala ng tao ang kanyang pagkamakasarili, ginamit ang materyal na yaman sa sariling kapakanan na siyang nagdulot sa lipunan ng maraming bagay
Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan
Kung ang bawat likas na yaman ng ating bansa ay gagamitin sa kapakanan ng mga nakararaming mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong magugutom, pumapatay o mababawasan ang kasamaan ng sangkatauhan
Ang mga dahilang ito marahil ang sanhi kung bakit may mayayaman sa kasalukuyan na hindi kayang ubusin ang naipong mga yaman kahit sampung ulit silang mamumuhay sa daigdig