Nang tumanggi si Rama, nagselos si Surpanaka at naging higante. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante
Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak.
Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.
Ang epiko ay mahabang salaysay o patulang pasalaysay na inaawit Ito ay tungkol sa pakikipaglaban ng pangunahing tauhan at karaniwang nilalahukan ng mga di pangkaraniwang pangyayari
Mahabang tulang naratib na dumadakila sa mga nagawa at abentura ng isang bayani
Gamit ang isang estilong maringal, tinatalakay nito ang mga pangyayaring maalamat o historikal na may kabuluhang pambansa o unibersal- mga pangyayaring hitik ng impresibo o kahangang-hangang aksyon
Kadalasang kabilang sa epiko ang mga sumusunod na katangian: pagpapakilala ng mga puwersang supernatural na humuhubog sa aksyon, tunggalian sa anyo ng mga labanan o ng iba pang uri ng pagtatagisang pisikal: at maeestilong kombensyon, tulad ng pagdarasal sa Musa, pormal na pagpapahayag ng tema, mahabang listahan ng mga tauhan, at mga kombensyonal na talumpati sa wikang may mataas na antas
Maaaring mabanggit ang mga pangkaraniwang detalye ng pang-araw-araw na buhay, ngunit isinasama ito upang makapagbigay lamang ng mga impormasyong kailangan sa naratib at ginagawa ito sa maringal na estilo na katulad ng pangkalahatang estilo ng tula
Ang mga tulang epiko ay di lamang mga nakasisiyang kuwento ng mga bayaning maalamat o historikal; binubuod din nila ang kalikasan o mga ideyal ng isang bansa sa isang mahalagang panahon ng kasaysayan nito