MODULE 2

Cards (48)

  • City of Good Character
  • Mga Katangian ng Isang Mabuting Lungsod
    • DISCIPLINE
    • GOOD TASTE
    • EXCELLENCE
  • Ikaapat na Markahan-Modyul 2: Pagpapatunay sa Pag-iral ng mga Kondisyon sa Akda sa Kasalukuyang Panahon
  • May-akda: Mark Ryan V. Canimo
  • Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
  • Department of Education, National Capital Region, SCHOOLS DIVISION OFFICE, MARIKINA CITY
  • Modyul
    Binubuo lamang ng isang aralin
  • Mga inaasahang maisasagawa sa pag-aaral ng modyul
    • Napagbabalik-aralan ang mga inisa-isang kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang akdang pinakinggan
    • Napatutunayan na ang mga umiral na kondisyon ay umiiral pa rin sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paglalarawan at paglalahad ng sariling pananaw
    • Napatutunayan na ang mga umiral na kondisyon ay umiiral pa rin sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng pag-iisa-isa at pagbibigay patunay
    • Napatutunayan na ang mga umiiral na kondisyon ay umiiral pa rin sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paglalahad ng damdamin at matibay na paninindigan
  • Bilugan ang mga salita nagpapahayag o naghuhudyat ng pagpapatunay sa pag-iral ng mga kondisyon sa akda sa kasalukuyang panahon
  • Pag-aaralan ang paghahambing ng kultura ng iba't ibang mga bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na pelikula o teleserye
  • Balik-aralan ang mga natutuhan sa pag-iisa-isa ng mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere
  • Isa-isahin ang mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng kaniyang unang nobela batay sa kondisyon ng lipunan noong panahon ng mga Kastila sa ating bansa
  • Manood o makinig ng balita sa telebisyon o anomang social media platform
  • Mga tanong na sagutin
    • Ano ang paksa ng balitang iyong pinanood o pinakinggan?
    • Paano mo mailalarawan ang kondisyon ng ating lipunan ngayon batay sa pinanood o pinakinggang balita?
    • Ano ang iyong opinyon sa kasalukuyang sitwasyon ng ating lipunan sa kasalukuyan?
  • Dumating si Kapitan Tiyago kasama ang binatang Si Crisostomo Ibarra na nakadamit pangluksa
  • Namutla si Padre Damaso nang makilala ang kasama ng binata ni Kapitan Tiyago
  • Tinangka namang kamayan ni Ibarra Si Padre Damaso sapagkat nalalaman nilang matalik na kabigan nito ang ama ng binata ngunit itinanggi niya ito at biglang tumalikod
  • Bakas naman sa mukha ni Padre Sibyla ang kaniyang kasiyahan habang si Padre Damaso ay banas na banas
  • Umupo sa kabisera si Ibarra habang sa kabilang dulo ay nagtatalo ang dalawang pari kung sino ang dapat maupo
  • Sumunod si Tinyente Guevarra kay Ibarra upang paalalahanan ang binate na mag-ingat dahil nag-aalala siyang matulad siya sa kaniyang ama
  • Ayon kay Tinyente Guevarra, bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa kanilang bayan, iginagalang ng marami ay marami pa ring naiinggit sa kaniya
  • Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway at napagbintangan pa siyang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan, dahilan upang bansagan siyang erehe at pilibustero
  • Aligaga at hindi mapakali si Maria sa paghihintay sa kasintahang si Crisostomo na halos pitong taon na niyang hindi nakikita
  • Papunta na sana Si Tiya Isabel at Maria Clara sa beateryo upang kunin ang naiwang gamit ng dalaga nang biglang dumating si Padre Damaso
  • Sinabihan ng pari ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa relasyon nina Crisostomo at Maria Clara
  • Bagamat ang ama ni Crisostomo na si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan ng San Diego, hindi siya itinuturing na makapangyarihan sa kanilang bayan
  • Si Padre Salvi at ang Alperes ang siyang kinikilalang makapangyarihan sa kanilang bayan ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may tagong hidwaan ang dalawang ito na hindi ipinapakita sa publiko dahil sa maaaring makasira sa kanilang imahe
  • Ikinumpisal ng guro kay Crisostomo na kasama niya ang supulturero at si Tinyente Guevarra sa pagtapon sa bangkay ng kanyang ama sa lawa
  • Ipinahayag ng guro ang kaniyang kabiguan na baguhin ang nakasanayang pamamaraan ng pagtuturo sa mga kabataan
  • Magkasamang sumakay sa bangka si Crisostomo at Maria Clara na pinipiloto ni Elias
  • Dahil sa kapistahan, siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan
  • Matagal na nagsimula ang misa dahil hinintay pa ang pagdating ng alkade na sinadyang magpahuli para mapansin ng lahat
  • Binigyang babala ni Elias si Crisostomo tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan
  • Napuno ng sigla at kasiyahan ang piging na idinaos sa bayan ngunit napawi ito nang dumating si Padre Damaso na walang pigil na inalipusta ang pagkatao ni Crisostomo at alaala ni Don Rafael
  • Tumayo si Crisostomo at sinunggaban ang pari
  • Inawat ni Maria Clara ang kaguluhan
  • mag-ingat sa pagbaba at huwag lumapit sa bato
  • Naubusan ng pagtitimpi ang nananahimik na si Crisostomo. Tumayo siya at sinunggaban ang pari
  • Hindi na nakuhang lumaban ng pari dahil sa edad at pangangatawan nito
  • Pag-unawa sa Binasa
    1. Paano mo ilalarawan si Crisostomo bilang isang mamamayan, anak at mangingibig?
    2. Ano ang masasabi mo sa pakikitungo ni Padre Damaso kay Ibarra nang dumating ang binata sa pagtitipon?
    3. Bakit itinatago nina Padre Salvi at alperes ang kanilang hidwaan?
    4. Ano-anong pangyayari sa buhay ni Crisostomo ang maiuuganay natin sa kasalukuyang panahon?
    5. Kung ikaw si Ibarra, paano mo haharapin ang taong may kinalaman sa paghihirap at pagdurusa sa iyong ama?