MODULE 4

Cards (57)

  • City of Good Character
    DISCIPLINEGOOD TASTEEXCELLENCE
  • Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
  • Aralin
    Pagpapaliwanag sa mga Kaugaliang Binanggit sa Kabanata Tungo sa Pagpapayaman ng Kulturang Asyano
  • Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang misasakatuparan mo ang sumusunod:
  • Mga inaasahang maisasakatuparan
    • Naiisa-isa ang kaugaliang binanggit sa kabanata
    • Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagappayaman ng kulturang Asyano
  • Tukuyin mo kung ang mga pangyayari na nakasulat sa ibaba ay makatutulong sa ating mga Pilipino
  • Mga pangyayari
    • Pagsusuot ng magarang kasuotan at makukulay na kurtina
    • Ingay na nagmula sa mga paputok
    • Sobrang paghahanda ng pagkain sa hapag
    • Tugtog ng musikero o banda na walang humpay habang nililibot ang buong bayan
    • Alay sa patron bilang pasasalamat at pagsamba
  • Mula sa mga halimbawang pahayag sa itaas, anong kaugalian o tradisyon ang ipinakikita?
  • Tukuyin kung ang mga pahayag ay makatutulong sa ating mga Pilipino
  • Ipaliwanag kung bakit makatutulong o hindi makatutulong
  • Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay nagpapahayag ng pagkamakatotohanan at malungkot na mukha naman kung hindi
  • Ang pagiging madasalin ng mga Pilipino ay lutang noon pa man hanggang ngayon
  • Hindi kailangan ang magarbong paghahanda sa pista
  • Mahilig maniwala ang mga Pilipino sa mga pamahiin
  • Ang paglulustay ng pera sa hindi makabuluhang bagay ay hindi mahalaga
  • Bukal sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging matulungin
  • Pansinin ang mga larawan at tukuyin kung anong kultura o tradisyon ang ipinakikita at ilahad kung ang mga ito ay nakatutulong sa atin bilang mga Pilipino
  • Sa mismong araw ng kapistahan, abala ang mga tao sa San Diego
  • Nagising sila nang maaga dahil sa tunog ng kapamana at mga paputok
  • Naggayak ang mga may kayang mamamayan ng kanilang pinakamagagarang damit at pinakamahal na mga alahas at palamuti
  • Isang uri lamang daw ito ng pagpapakitang tao
  • Mas maraming dapat pagtuunan ng pansin na mas mahahalagang bagay kaysa sa pista
  • Kapansin-pansin naman na hindi nagpalit ng kasuotan si Pilosopo Tasyo
  • Sinabi ni Tasyo na paglulustay lamang ng pera at oras ang kasiyahang katulad ng pista
  • Sumang-ayon naman si Don Filipo sa sinabi ng matanda
  • Wala siyang lakas ng loob na sumalungat sa mga pari
  • May sakit naman si Padre Damaso na dapat magmimisa sa araw na iyon
  • Tumanggi na siya sa pagbibigay ng sermon ngunit pinilit siya ng ibang pari dahil siya lamang umano ang nakapagbibigay ng aral sa mga taga-San Diego
  • Agad na nagpapahid ng langis at nagpahilot si Padre Damaso upang guminhawa ang pakiramdam
  • Saktong alas-otso ng umaga nang magsimula ang prosisyon ng mga santo
  • Kahit sa pagprusisyon, mababatid ang pagkakaiba-iba ng antas ng mga mamamayan
  • Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago
  • Naroon ang alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria Clara, at si Ibarra
  • Ilarawan ang isinagawang pista ng san Diego
  • Isa-isahin ang mga kaugalian ng Pilipino na naipakita sa kabanatang ito
  • Sa iyong palagay makabubuti ba ito sa pag-unlad natin bilang Asyano? Ipaliwanag
  • Ano-anong pangyayari ang nakikita o nangyayari pa rin sa kasalukuyan? Sang-ayon ka ba sa gawaing ito?
  • Ilahad ang dahilan kung bakit hindi makapagmimisa si Padre Damaso
  • Anong paraan ang ginawa na nakapagpaginhawa sa kaniyang pakiramdam? Sa iyong palagay nangyayari pa ba ito sa ngayon?
  • Sa kabila ng si Padre Salvi na ang magmimisa sa araw na iyon bakit si Padre Damaso pa rin ang magsesermon sa araw na iyon