Babaeng lalang ng Maykapal, hinugot mula sa tadyang ni Adan, siyang dahilan ng buhay ng karamihan at nagsisilbing ilaw ng tahanan
Katawagan ng ina
Ina
Nanay
Mommy
Mudra
Madir
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
Aralin - Paghahambing ng Katangian ng Isang Ina Noon at sa Kasalukuyan Batay sa Pinanood
Nabibigyang kahulugan ang isang ina
Naiisa-isa ang katangian ng isang ina batay sa pinanood na dulang pantelebisyon o pelikula
Naipaliliwanag ang katangian ng isang ina batay sa pinanood na dulang pantelebisyon o pelikula
Nakapagbibigay ng sariling opinyon sa mga katangian ng isang ina batay sa pinanood na dulang pantelebisyon o pelikula
Napaghahambing ang katangian ng isang ina noon at ngayon batay sa pinanood na dulang pantelebisyon o pelikula
Babaeng lalang ng Maykapal, hinugot mula sa tadyang ni Adan, siyang dahilan ng buhay ng karamihan at nagsisilbing ilaw ng tahanan
Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan
Kapospalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan
Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin
Dahil sa kapabayaan ng kaniyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito noong sila siya ay dalaga pa
Sobra ang kaniyang pagkamartir at hina ng loob
Sa madalang na pag-uwi ng kaniyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki
Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kaniyang bathala at ang kaniyang mga anak ay anghel
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin
Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio
Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kaniyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kaniyang walang pusong asawa
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kaniyang mga anak
Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay
Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila
Nang mabusog ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak
Kadiliman
Malalim na ang gabi
Natutulog
Araw ng mga Patay
Kapospalad
Mahirap
Kumakalinga
Nag-aaruga
Dumadalangin
Nagulat
Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak.
Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.