Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami na gusto at kayang bilhin (ceteris paribus)
Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handang ipagbili, at kung bumababa naman ang presyo, bumababa din ang dami ng handang ipagbiling produkto at serbisyo (ceteris paribus)
Ang batas ng suplay at demand ay isang teorya na nagpapaliwanag ng ugnayan sa pagitan ng mga nagbebenta / prodyuser ng mapagkukunan ng produkto at serbisyo (Supply); at sa pagitan ng mga mamimili/ konsyumer (demand) para sa mga pangangailangan nito (needs and wants)
Ang Batas ng Demand ay nagsasabi na kung mas mataas ang mga presyo ng isang bilihin, ang mamimili ay bibili ng mas kaunti kaysa sa nakaugaliang bilhin nito, o kaya maghahanap na lang ng alternatibo o pamalit na produkto (ceteris paribus)
Ang Batas ng Suplay ay nagsabi na kung mas mataas ang presyo ng bilihin, ang mga supplier ay nagbebenta o nagsusuplay ng higit pa o mas marami kaysa sa nakatakdang bilang nito sa pamilihan (ceteris paribus)
Ang Ekwilibriyo sa Pamilihan ay ang kumbinasyon ng mga pang-ekonomiya na mga pagkakaiba (tulad ng presyo at dami na handang ipagbili at bilhin) na kung saan ito ay isang normal na proseso sa ekonomiya (tulad ng suplay at demand) na nagiging timon o driver ng ekonomiya
Kalagayan na kung saan walang sinuman sa mamimili at prodyuser ang gustong gumalaw at kumilos dahil lahat ng gusto at kayang bilhin ng mamimili sa presyong nakatakda ay ibebenta ng prodyuser
Ang Ekwilibriyo sa Pamilihan ay maaari ring inilapat sa anumang pagbabago sa bilang o pagkakaiba tulad ng Antas ng Interes (interest rate) o pinagsama-samang gastos sa pagkonsumo
Ang hoarding ay maaaring tumukoy sa konseptong pang-ekonomiya kung saan ang isang partikular na produkto o kalakal ay itinatago hanggang tumaas ang demand rito at tuluyang tataas ang presyo